ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Career first for StarStruck V winners Steven Silva, Diva Montelaba


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos umamin na kapwa may pagtingin sa isa’t-isa sina StarStruck V Ultimate Male Survivor Steven Silva at First Princess Diva Montelaba, kapwa naman nila inihayag na mas tututukan muna nila ang nagsisimula nilang showbiz career kaysa pag-ibig. "Focus muna ko sa career. But I still like Diva. Me and Diva we're really close," sagot ng 23-anyos na si Steven ng Davao nang tanungin tungkol sa damdamin niya sa dalaga matapos ang Final Judgment sa Araneta Coliseum noong Feb 21. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing bahagyang nalungkot si Steven nang si Sarah Lahbati ang itinanghal na Ultimate Female Survivor at hindi si Diva na pambato ng Cebu. Gayunman, sa hiwalay na panayam matapos ang big event sa Araneta ay inihayag ni Steven na natutuwa rin siya para kay Sarah. "I felt a little sad for Diva because I always thought she'll win as the Ultimate Survivor. She's really so talented. Talagang maganda siya. Natural beauty siya. But it doesn't mean that I'm not happy for Sarah. Of course, I'm happy for Sarah."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon naman kay Diva, nauunawaan niya kung magiging prayoridad din ngayon ni Steven ang kanyang career dahil mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa binata bilang StarStruck V Ultimate Male Survivor. Idinagdag pa niya na kapwa sila magiging abala ni Steven para sa nagsisimula nilang career sa showbiz at magiging unfair sa kanila kung magko-commit sila gayung wala naman silang panahon sa isa’t-isa. Samantala, ginawa naman daw nila ang lahat ng kanilang makakaya nang tanungin ni Chika Minute host Pia Guanio sina Diva, First Prince Enzo Pineda (ng Quezon City) at Second Prince Rocco Nacino (ng Pasig), kung ano posibleng pagkukulang nila kaya hindi nila nakuha ang grand price. “Hindi ko masasabing nagkulang ako kasi for us five we done our best kailangan lang talaga na may winner. But with our performances ma-a-access namin (sa) sarili namin na hindi kami nagkulang," pahayag ni Diva. Tugon naman ni Enzo: “We are all winners pag-apak ko pa lang ng Final 5 panalo na kaming lahat. And it’s our dream to be in Araneta (coliseum) at must important sa amin na maganda ang performance namin that night." Idinagdag ni Enzo na ang mas real challenge sa kanila na bagong batch ng StarStruck ay ang pagkatapos ng kompetisyon bilang bagong na mga Kapuso stars. “Sobrang happy kami na nakapag-perform kami sa Araneta, at doon pa lang masaya na kami," sambit naman ni Rocco sabay sabing ibinigay nila ang lahat at nag-enjoy sila nang gabi ng Final Judgment. Kasabay nito, pinasalamatan nina Diva, Rocco at Enzo ang lahat ng sumuporta sa kanila para makasama sa Final 5. - Fidel Jimenez, GMANews.TV