Court grants Ruffa sole custody of her children
Masaya si Ruffa Gutierrez sa naging pasya ng korte sa Quezon City na ibigay sa kanya ang kostudiya ng dalawang anak nila ni Yilmaz Bektas. Pero papayag pa kaya siyang makita ng dating mister ang kanilang mga anak?
Matapos ang naging sigalot sa kanila ng kaibigang si Kris Aquino, naka-focus na ngayon ang atensiyon ni Ruffa sa trabaho. Nitong Huwebes ay umatend siya sa press conference ng movie niyang “Working Girls."
Kasama ni Ruffa na dumalo sa presscon ang mga co-stars na sina Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Bianca King at Eugene Domingo.
Present din ang direktor ng movie na si Joey Reyes, ang president ng GMA Films na si Annette Gozon-Abrogar, Viva Film producer Vic del Rosario, at Unitel producer Tony Gloria.
Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Ruffa na nagpadala siya ng flower na may short message kay Kris para maka-move-on na sila sa kanilang mga buhay.
Labis din daw siyang masaya sa naging pasya ng korte na ibigay sa kanya ang custody ng kanilang anak ni Yilmaz na sina Lorin and Venice.
“Nakakataba ng puso na malaman na sa akin talaga officially, its legal and the Quezon City Regional Trial Court gave his judgment so para maiayos lang ang lahat," pahayag ni Ruffa sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
Ayon pa kay Ruffa, nagkausap na sila ni Yilmaz at katunayan ay ipapaubaya naman daw talaga nito sa aktres ang kanilang mga anak.
Dahil nakatakdang dumating sa Pilipinas si Yilmas bago mag-Holy Week, naitanong kay Ruffa kung paghahandaan kaya niya ang pag-uwi ng dating mister?
“Maghahanda? siyempre ang mga bata maghahanda talaga for him. And I really want them to spend time together kasi I’m sure na miss nila ng bonggang-bonga yung daddy nila. And for us naman, kami ni Yilmaz siguro mas mabuting mag-dinner kami," dagdag niya. - FRJ, GMANews.TV

advertisement
advertisement
advertisement