GMA News Online
Showbiz

Eugene Domingo on Comedy Bar: ’Nakakagimik ako na may suweldo!’ -- iGMA

May 21, 2010 3:48pm
Sa set ng Comedy Bar, nakausap ng iGMA.tv si Ms. Eugene upang i-congratulate siya sa kanyang first Best Actress Award at sa magkasunod na box-office movies ngayong taon.

Masayang-masaya si Eugene sa mga nangyayari sa kanyang career at sinabi niyang hindi totoo ang mga balita na nagbago na siya at lumalaki na ang kanyang ulo.

"Hindi ako 'yun! 'Yung kulot ko lang ang lumalaki," ang biro niya sa amin. Pero ng naging seryoso, sinabi niya na wala namang nabago sa kanya. "I always work with the director, talk to the director, and based on the script 'yun ang dinedeliver ko, hindi ko priority ang mang-sapaw or kailangan ako ang mapansin."

Idinagdag pa niya na hindi naman siya namimili ng mga projects.

"Hindi lang sila aware na lumalabas pa rin ako sa Indie [films]. Dalawa o tatlong eksena, wala sa akin 'yun. Ako kasi project based ako kung sa tingin ko makakatulong ako, kung sa tingin ko kailangan nyo ko at natutuwa kayong ka-trabaho ako, go! Hindi ako madamot, kung kakayanin ng schedule. Kasi natural ko 'yun eh. Ang gusto ko masaya ako, masaya yung company, collaborator ako."

And this is evident sa kanyang mga top-rating shows at box-office movies. Tulad na lang ng kanilang tandem ni Allan K sa Comedy Bar.

"Ay masaya ito. Nakakagimik ako na may sweldo!" Ang mabilis niyang sinabi sa amin ng nabanggit namin ang show. She confessed that she looks forward to doing the show every time.

“Ang saya–saya kasi ano eh, ‘yun na nga gimik na libre, pangalawa diretso ‘yung contact ko sa tao, kasi ‘yung audience namin iba ang iba ang pinanggalingan. Meron talaga, galing pa sa ibang bansa, tapos si Allan pa talagang expert sa ganito so ang dami kong natutunan sa kanya," patuloy niya.

Kaya naman nang ibalita namin na mayroon siyang chat with iGMA.tv, lalo siyang natuwa dahil makakausap niya ang kanyang mga fans at followers ng Comedy Bar ng personal.

Pilit nga niyang sinasama ang kanyang co-host sa show na si Allan K, but dahil sa nauna nitong commitment abroad, sasamahan na lang siya ni Fabio at ng 'Six Feet Long' band sa May 26, 2010 from 12 p.m. to 1:30 p.m. sa kaniyang first ever iGMA Live Chat. - Loretta G. Ramirez , iGMA
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus