PEP: GMA Network sues Mo Twister for breach of contract
Apat na milyong piso ang halaga ng breach of contract case na isinampa ng GMA Network laban kay Mohan Gumatay a.k.a. DJ Mo Twister at sa TV5. Dalawang milyong piso ang hinihingi ng GMA Network mula kay DJ Mo at sa TV5 para sa damages, isang milyon para sa attorney's fees, at isang milyon bilang litigation fees. Isinampa ng GMA-7 ang kaso sa Quezon City Prosecutor's Office at diringgin ito sa sala ni Presiding Judge Santiago Arenas ng Branch 217 ng QC Regional Trial Court. Nadamay sa kaso ang TV5 dahil kinuha nila ang serbisyo ni DJ Mo kahit hindi pa raw tapos ang kontrata nito sa Kapuso network. Co-host si DJ Mo sa showbiz-oriented talk show na Showbiz Central. Nakasaad sa 16-page complaint ng GMA-7 na may exclusive talent contract sa kanila si DJ Mo at may bisa hanggang May 3, 2010 ang nabanggit na kasunduan. Pero may option to renew for a year ang GMA-7. Humiling din ng Temporary Restraining Order (TRO) ang GMA-7 para ipahinto ng korte ang paglabas ni DJ Mo sa mga programa nito sa TV5âang Juicy at Paparazzi, pati na sa ibang mga programa ng Kapatid network. Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mo Twister sa TV5 studios noong May 29, na siya ring araw ng paglabas sa mga diyaryo ng balita tungkol sa reklamong breach of contract. Ayon kay Mo, hanggang noong hapon ng Mayo 28, wala pa siyang natatanggap na pormal na papeles tungkol sa kanyang demanda. Ayon sa balita, Eastwood ang nakasaad na home address ni Mo sa complaint subalit lumipat na siya sa Makati City. Ang unang reaction niya noong umabot sa kanya ang balita: "Mixed emotions." Pahayag niya na may halong biro, "This is my first case, so, medyo excited! It's exciting... If it's true, I wanna win. I want to set a standard for other celebrities and other one-sided contracts. I don't know..." Pero inamin niyang meron din siyang pangamba. "Of course, right now, part of me is worried. But part of me is rather excited..." dagdag pa niya. Confident ba siya na malulusutan niya ang reklamong ito? "I don't know what the terms are, but I'm confident that I didn't do anything wrong," sagot niya. Wala siyang nilabag na batas? "I don't think so. Again, di ko pa alam kung ano ang 'charges' at all, or kung ano ang mga issues." Nilinaw ni Mo na noong pumirma siya ng kontrata sa GMA-7 three years ago, hindi ito bilang isang exclusive talent ng network kundi sa Showbiz Central lamang. Wala ba siyang sariling kopya ng pinirmahan niyang kontrata? "I do, I do have a contract copy, but I really don't understand it very well... Well, as soon as I read the paper, kung ano ba sa contract ang they think I violated, at least alam ko kung ano ang nangyayari. And I'd know what my plans [would] be." Nabanggit ni Mo sa previous interviews niya na mas nakikita niya ang kanyang sarili sa TV5, kung saan meron na siyang exclusive contract. Hindi rin masabi ni Mo kung ano ang kanyang next steps. "I don't know, I don't know, kasi I don't know how it works. Pero I'm sure, pagkatapos kong kausapin ang legal counsel ko, tingnan natin kung ano ang mga steps na puwede nating gawin," ang sabi niya. Tinawagan ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan ang vice-president ng legal department na si Atty. Dick Perez, na siyang nagkumpirma na until "May of next year" pa ang renewed contract ng host sa GMA-7. Atty. Perez said, "He wanted out of the contract. He made a request asking that he be released... Personally, I thought he will honor the contract." But, the lawyer added, Mo already began his hosting jobs with TV5. - PEP