GMA News Online Public Affairs

"Magkakapatid na Tulak sa Siyudad ng San Juan Ibubulgar ng Imbestigador!"

July 16, 2010 12:01pm
Episode on July 17, 2010
Saturday after Kapuso Mo Jessica Soho

Magkakapatid na Tulak sa Siyudad ng San Juan
Ibubulgar ng Imbestigador!


Ngayong Sabado sa Imbestigador, ang siyudad naman ng San Juan ang tinutukan laban sa iligal na droga!

Sa ilang linggong pagmamanman ng Imbestigador, nabisto ang magkakapatid na hayagang nagbebenta ng droga. At kaya raw malakas ang loob nila ay dahil kapitan ng barangay ang isang miyembro ng pamilya.

Matapos magsagawa ng testbuy ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency, nagpalabas na ang korte ng Search Warrant para lusubin ang kuta ng magkakapatid.

Abangan ang isa na namang maaksyong Sabado sa Imbestigador, sa patuloy nitong pagtulong sa pagsugpo sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa ating bansa. Huwag palalampasin ang Imbestigador pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.
advertisement
advertisement
advertisement