ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Noynoy hiniling na paimbestigahan ang singil sa e-passport


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Hiniling ng isang grupo na sumusuporta sa mga overseas Filipino workers (OFWs) kay Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III na paimbestigahan ang umano’y mistulang pangongotong ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga kumukuha ng pasaporte. Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ng grupong Migrante International na dapat silipin ni Aquino ang kontratang pinasok ni DFA Secretary Alberto Romulo tungkol sa paggawa ng mga bagong e (electronic)-passport para maabot umano ang international standards. Kinuwestiyon nila ang bagong presyo ng e-passport na kinukuha sa Pilipinas na umaabot sa P950 hanggang P1,200 kumpara sa dating singil na P550 hanggang P750. Samantala, mas malaki umano ang singil sa e-passport na kinukuha sa Hong Kong, Australia, Taiwan, Malaysia, New Zealand, Japan, Middle East at ilang bahagi sa Europe. “Wala na bang katapusan ang pangongotong ng gobyerno mula sa OFWs? “President Aquino must prioritize this issue as this not only involves OFWs but all other Filipinos applying for a passport," ayon kay Gina Esguerra, secretary general ng Migrante International. Sinabi ni Esguerra na makabubuting ipasuri ni Aquino ang kontratang pinasok ni Romulo sa Oberthure, isang French company, na nanalo sa isinagawang bidding para sa paggagawa ng e-passports. Idinagdag ng grupo na mayroong nakabinbing kaso tungkol sa kinukuwestiyong kontrata sa Office of the Ombudsman at Supreme Court. Samantala, may hiwalay na imbestigasyon din na ginawa ang nagdaang Kongreso tungkol sa e-passport. “DFA Sec. Romulo has yet to answer all allegations hurled against him with regard to this issue. The DFA should stop imposing e-passport fee hikes until this issue is resolved," ayon kay Esguerra. “There should be no reason for an increase if the e-passport contract is truly overpriced. Instead of passing on the burden to our OFWs, corrupt officials involved in the illegal and overpriced deal should be held accountable," idinagdag niya. Tiniyak din ng Migrante na magsasagawa sila ng kilos protesta sa unang State of the Nation Address ni Aquino sa July 26. - Fidel Jimenez, GMANews.TV