ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Power rate hike: Meralco pinayagan ng ERC mabawi ang P3B sa konsumer
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Asahan ang pagtaas sa singil sa kuryente sa billing sa Oktubre matapos payagan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na mabawi sa kanilang konsumer ang P3.371 bilyong hindi nasingil sa generation cost. Batay sa 23-pahinang desisyon ng ERC nitong Miyerkules, maaaring singilin ng Meralco sa kanilang konsumer ang P0.0314 per kilowatthour simula sa billing ng Oktubre hanggang makompleto ang P3.371 bilyon. Sa naturang halaga ay kasama na ang interes sa hinahabol sa P2.7 bilyon na hindi umano nasingil ng Meralco sa general costs mula Agosto 2006 hanggang Mayo 2007. Sa mosyon na inihain ng Meralco sa ERC noong Sept 18, 2008, hiniling nito na irekonsidera ang naunang desisyon ng komisyon noong June 4, 2008, kung saan hindi sila pinayagan na masingil sa konsumer ang bahagi ng generation costs. Ang hindi nasingil na generation costs ay bunga ng paglabis ng Meralco sa biniling enerhiya sa wholesale electricity spot market, na batay sa Electric Power Industry Reform Act of 2001, ay hindi dapat hihigit sa 10 percent ng total demand. Ngunit paliwanag ng Meralco, imposible ang ipinataw na 10 percent cap ng ERC at hindi rin ito naaayon sa layunin ng WESM na itinatag noong 2006. Ipinataw ang 10 percent cap policy batay sa Sec. 45 ng EPIRA kung saan nakasaad na sa loob ng unang limang taon sa pagtatag ng WESM na, âno âDUâ na shall source more than 90 percent of its total demand from bilateral power supply contracts." Ipinaliwanag ng Meralco na bukod sa Sec 23 ng EPIRA ay may iba pang probisyon sa batas para sa pagbawi sa gastusin sa generation costs kahit ito ay kulang o higit sa 10 percent cap. Matapos rebisahin ang posisyon ng Meralco, nakumbinsi ang ERC na may basehan ang petisyon ng power company at tuluyang inirekonsidera ang nauna nilang desisyon. "Assuming that this portion is taken entirely from the WESm at prices higher than those stipulated in the DUs bilateral supply contracts with generation companies or the TSC rate and since there is no violation of Sec 23 committed for such WESM purchases, it should follow that the DUs should be allowed to recover the cost of these purchases," ayon sa desisyon ng ERC. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular