ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
‘Ghost vets’ pinapangambahang nakakubra sa pensiyon ng mga beterano
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nais ni Senador Franklin Drilon na marepaso ang tunay na bilang ng mga beterano sa bansa sa pangambang may mga âghost veteran" na nakakakubra sa inilaang P30 bilyon pensiyon para sa mga ito. Sa isinagawang pagdinig ng Senado sa 2011 budget ng Department of National Defense nitong Martes, inatasan ni Drilon, chairman ng Senate committee on finance, ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na magsumite ng kumpletong listahan ng mahigit 284,000 beterano, kabilang ang 111,149 beterano noong World War II. âHindi natin alam kung paano nila natutukoy (ang mga beterano) pero nakakapagduda kaya nanghihinala kami na maraming ghost pensioner at tanging sa ganitong bagay lamang natin mabubura ang ganitong bagay," ayon sa senador. Lumitaw sa pagdinig na patuloy na nagbabayad ang pamahalaan sa mahigit 111,149 beterano noong WWII na kung susuriin umano ay umaabot na sa mahigit 85-anyos ang mga beteranong lumahok sa naturang digmaan. âSa ngayon, mayroon mahigit 111,000 beterano ng WWII â mahirap paniwalaan na ganoon pa karami ang mga survivors at asawa nila dahil kung mula 1945 hanggang ngayon, 65 years na ang nakakalipas, at kung noong 1945 ay 19 years old sila, ibig sabihin, 85 years old na sila pataas ngayon. Kaya mahirap paniwalaan na mayroon pang ganitong karaming beterano nab aka nagpupunta pa sa mall at nagsho-shopping," pag-analisa ni Drilon. Sinabi nito na kinikilala ng Senado ang repormang isinasagawa ng PVAO sa kapakanan ng mga pensiyonado ng militar kabilang ang beterano noong digmaan. Ngunit kailangan umanong ipabatid ng ahensiya sa Kongreso ang pamamaraan ng isinasagawang pagbabago. âOf course, we recognize the reforms being undertaken but we donât know how fast the reforms are---every year, we allocate billions of pesos for PVAO. The Committee when it crops the budget will always look closely in these area of the pension funds. This is about 38% of the total budget and yet we are not comfortable that this indeed will go to our veterans, we suspect that many of them are ghost thing," idinagdag niya. Sinabi ni Drilon na susuriin ng Senado ang bawat beterano na lilitaw sa listahan ng PVAO. Kaya mahalaga umano na nakasaad sa isusumiteng report ang kumpletong pangalan, address, date of birth, pangalan ng surviving spouse, at bank account number kung saan idenedeposito ang pensiyon ng mga ito. âRerepasuhin ng Senado ang listahan pero baka hindi namin makayanan na suriin ang bawat isa sa listahan, pero may gagawin kami para matukoy kung paano mabibigyan ng integridad ang listahan," anang senador. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular