ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Fratmen sa likod ng pagpatay ng hazing victim sa Maynila, tinutugis ng pulisya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Tinutugis na ng mga awtoridad ang 12 miyembro ng isang fraternity na hinihinalang nasa likod ng pagpatay sa isang hazing victim na nakitang isinilid sa isang plastic drum nitong Miyerkules sa Parola, Maynila. Sa ulat ng dzBB radio nito Huwebes, sinabing hinahanap ng mga tauhan ng Manila Police District ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi na suspek sa pagpatay kay Noel Borja, 17-anyos. Nakita ang naaagnas na bangkay ni Borja ng mga batang nagkakalkal ng basura sa Parola Compound. Lumitaw sa paunang imbestigasyon na nag-aaplay si Borja na maging miyembro ng Tau Gamma Phi.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon sa pinuno ng MPD na si Chief Superintendent Roberto Rongavilla, ang impormasyon tungkol sa mga suspek ay ibinigay ni Hernan Palacio, na miyembro rin ng fraternity. Hindi na umano makayanan ng konsensiya ni Palacio, 28-anyos, ang mga pangyayari kaya nagtungo siya sa pulisya. Napag-alaman na si Borja ay estudyante sa Alternative Learning Systems, ay namatay habang sumasailalim sa initiation rites sa Parola noong Oktubre 24. Sinabi ni Rongavilla na posibleng kasuhan din ang may-ari ng bahay kung saan ginawa ang pag-hazing sa biktima. – GMANews.TV