ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lacson posibleng kinakanlong raw ng mga opisyal kaya hindi mahuli
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â May hinala ang isang opisyal sa Department of Justice (DOJ) na posibleng may nagkakanlong kay Senador Panfilo Lacson na dati o kasalukuyang opisyal ng pamahalaan kaya hindi ito mahuli ng mga awtoridad. Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes, inamin ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III, na nahihirapan ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na matunton ang senador. "There are some former and incumbent politicians na baka pinoprotektahan si Senator Lacson," pahayag ni Baraan. Gayunman, tumanggi ang opisyal na magbigay ng detalye tungkol sa kanyang hinala. Si Lacson ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng isang korte sa Maynila dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng publicist na si Salvador Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito noong taong 2000. Mariing pinabulaanan ni Lacson ang bintang laban sa kanya. Noong nakaraang linggo, ilang lugar na pinaghihinalaang pinagtataguan ni Lacson ang pinuntahan ng NBI pero nabigo silang makita ang senador. (Basahin: NBI raids suspected Lacson hideout in QC) Nitong Martes ay nagbabala ang NBI na kasamang makakasuhan ang mga taong mapapatunayang nagkakanlong kay Lacson. (Basahin: NBI to Lacson coddlers: You will be charged, too) "If we arrest the senator and weâll be able to know his protectors, the latter will also be charged," babala ni NBI spokesman Special Investigator IV Cecilio Zamora. Kasabay nito, sinimulan din ng pamilya Dacer at isang anti-crime group ang pangangalap ng pondo para makalikom ng P2 milyon sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para mahuli si Lacson. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular