ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jillian Ward graces unique Christmas party inside Taguig cemetery


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumalo ang Kapuso child star na si Jillian Ward sa kakaibang Christmas party ng isang pamilya na ginawa sa loob ng isang sementeryo sa Taguig. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, ipinakita rito ang maiilaw na palamuti sa labas ng museleo kung saan nakahimlay si Lola Magdalena Luy Lim na pumanaw noong February 2008. May dekorasyon din sa loob ng museleo at mga pagkain sa puntod. Sa labas naman ang mga tent kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi ni Kate Lim Napoles, na ipinagpapatuloy lang nila ang tradisyon ng kanyang lola Magdalena at nais din nilang makapiling ang mga pumanaw nilang mahal sa buhay tuwing Pasko. At dahil maraming bata ang kasama sa kakaibang Christmas party, inimbitihan nila si Jillian na game namang nakiisa sa masayang okasyon. Bukod sa kasali ang child star sa pamamahagi ng mga regalo, naghandog din siya ng awitan na kinagiliwan ng mga bisita. Kasabay nito, nag-imbita rin si Jillian na panoorin ang kanyang Kapuso krismaserye na Jillian: Namamasko Po, at ang kanyang filmfest movie na Si Agimat at si Enteng Kabisote with Vic Sotto and Sen Bong Revilla Jr. - FRJ, GMANews.TV