Jillian Ward meets Baby James
Nagkasama sa unang pagkakataon ang Kapuso child wonder na si Jillian Ward at si Baby James o Bimby na bunsong anak ng controversial television host-actress na si Kris Aquino. Mismong si Kris pa ang nag-request na magkasama sa picture ang anak niyang si Bimby at Jillian na tinawag niyang sobrang cute. "Nasan ka na? Magpapa-picture si Bimby saâyo kaso ngayon ka lang namin na-meet in person. Congratulation to all the children," paghahanap ni Kris kay Jillian matapos nitong samahan sa stage si Baby James para tanggapin ang nakuhang award. Bukod kina Jillian at Bimby, may kuha rin ang dalawa na kasama ang child star na si Zaijan Jaranilla. Ang tatlo ay pinarangalan bilang Most Favorite Child Personalities sa 1st Lingkod TV Awards ng National Council for Children's Television (NCCT), na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Education.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa ulat ni entertainment reporter Aubrey Carampel, sinabi nito na nagmistulang stage mom and dad sina Kris at estranged husband nitong si James Yap, nang tanggapin na ni Bimby ang kanyang award. Magkasamang dumating sa awarding ceremony sina Kris at James para maipakita umano nila ang suporta nila sa kanilang anak kahit pa dumadaan na sa proseso ng pagpapawalang-bisa ang kanilang kasal. âSiyempre happy ako kasi friend na kami (ni Kris), saka si Baby James lumalaki na rin at least makikita niya na yung support namin ni Kris sa kanya nanduon talaga," pahayag ni James sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. âIto yung perfect way to end the year na yung anak ko may award, Iâm such a proud mama," ayon naman kay Kris. Sa isang tweet ni Kris nitong Dec 27, sinabi ng actress-host na kasama ng kanyang pamilya si James na naghapunan. Biniro pa umano ng mga kapatid ni Kris ang basketball star na pumili ng mabait na step-mom ni Bimby. Gayunman, sinabi ni Kris na kahit maganda na uli ang relasyon nila ni James sa isaât isa, malabo na umano na magkabalikan silang mag-asawa. - FRJimenez, GMANews.TV