ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ayaw sa Con-con: Enrile pabor sa Cha-cha sa paraan ng Con-ass


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Papayag lang umano si Senate President Juan Ponce Enrile na amyendahan ang Saligang Batas kung gagawin ito sa paraan ng Constituent Assembly (Con-ass) at hindi sa magastos na Constitutional Convention (Con-con). "Charter change is imperative, it’s needed now... but let’s do it through a Constituent Assembly," paliwanag ni Enrile sa kanyang pahayag nitong Huwebes. Sa sistemang Con-ass, magsasanib ang mga mambabatas ng Senado at Kamara de Representantes para amyendahan ang Konstitusyon. Samantalang maghahalal ng deligado sa ang mga Pilipino na siyang mag-aamyenda ng Konstitusyon sa sistemang Con-con. "Congress can do it. Why do we have to hold an election and pay the salaries of people who may not necessarily understand the problems of the nation because they have not experienced these problems," paliwanag ng beteranong senador. Sinabi pa nito na napapanahon na palitan na ang Saligang Batas partikular ang mga probisyon na pang-ekonomiya upang payagan makapaglagak ng mas malaking puhunan ang mga dayuhan sa bansa. Idinagdag pa ni Enrile na higit na pinapaboran ng saligang batas na nabuo sa panahon ni dating pangulong Cory Aquino ang mga mayayaman. “The Constitution actually favors only the rich. It allows them to invest as much as 60% in mining, agriculture, transportation, and so on. The rich make lots of money here but they bring the profits elsewhere, to China, Canada, Australia, Guam and even Papua New Guinea. It is these countries that benefit, because their nationals get job," paliwanag niya. Ngunit hindi umano kailangan na maging magastos ang pag-amyenda sa Konstitusyon lalo na sa panahon ngayon kung kaya naman itong asikasuhin ng mga mambabatas. Bago ang Con-ass, iminungkahi ni Enrile na magkaroon ng konsultasyon ang mga mambabatas, mga eksperto sa Saligang Batas at mga halal na opisyal para maging maayos ang proseso. Hindi naman naniniwala si Enrile na ang pag-amyenda sa Konstitusyon ang susi para magwakas ang katiwalian sa bansa gaya ng paniwala ng ilang kongresista. “Mapipigilan lamang ang korapsiyon sa pamamagitan nang mahigpit na pagpapatupad ng batas," ayon kay Enrile. - GMANews.TV
Tags: conass, concon