Rufa Mae Quinto plays 'Dwarkikay' in GMA’s Dwarfina
Mapapanood na ang Kapuso sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa telefantasyang Dwarfina bilang makulit na si Dwarkikay. Sa panayam ni entertainment reporter Aubrey Carampel, nagpatikim si Rufa Mae kung ano ang magiging itsura niya bilang si Dwarkikay na magiging kaibigan ni Dwarfina, na ginagampanan ni Heart Evangelista. âHindi ko pa suot yung outfit ko, hindi pa ko ready ng lagay na âyan, natatawang sabi ni Ruffa Mae habang hinahawakan ang suot na blonde wig.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âVery very light hair pa lang so mapapanood nila âyan gabi gabi yung mga magaganda kong outfitâ¦so tuturuan ko si Heart kung papaano umarte, kakikayan," dagdag pa niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Itinuturing ni Rufa Mae na maganda ang pasok ng 2011 sa kanya dahil marami siyang gagawing project. Kasama na rito ang paggawa niya ng movie na Booba part 2, at concert sa May. At nang tanungin kung kamusta naman ang kanyang lovelife, masaya at natatawang tugon ng sexy actress, âMeron din naman⦠love is in the air kumbaga, in the aircon!" - FRJ, GMA News