GMA News Online
Showbiz

Charice beats Bieber, Bruno as Best New Artist in Japan’s Tokio music award

February 25, 2011 7:59pm

Tags: Charice
Charice and Justin Bieber. -- Jocelyn Dimaculangan (Charice) / Bang (Justin)
Dinaig ng Pinay international singing sensation na si Charice sina Justin Bieber at Bruno Mars para tanghalin bilang Best New Artist sa isang music award na ginanap sa Japan.

Ang parangal ay nakuha ni Charice sa J-Wave Tokio Hot 100 Award 2011 na ginanap nitong Pebrero 24.

Bukod kina Justin at Fil-American na si Bruno Mars (Peter Hernandez sa tunay na buhay), nakalaban ni Charice naturang kategorya sina Ke$ha, Orianthi at Rox.

Nasa Japan si Charice para sa kanyang series of concerts sa Nagoya, Tokyo at Osaka.
Ang self-titled album ni Charice na inilunsad sa Japan last year ay sinasabing umabot na sa ‘Platinum."

Ang J-Wave Tokio Hot 100 Awards na ginagawa taun-taon ay sinasabing isa sa mga pinakamalaking music award-giving bodies sa Japan.

Kamakailan ay ginawa ni Charice sa GMA 7 ang kauna-unahan nitong television special sa Pilipinas na Charice: Home for Valentine.

Ang naturang musical special ni Charice ay nakakuha ng pinakamataas na rating sa mga primetime program sa naturang araw batay sa ipinalabas na talaan ng AGB Nielsen TV Audience Measurement.

Last year ay kasama ang pangalan ni Charice sa listahan ng mga celebrities sa "11 to Watch in 2011" sa popular Hollywood online site na ew.com. - FRJImenez, GMA News
Go to comments

Tags: Charice



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus