Status update: Azkals’ Phil and James Younghusband both taken?
Hindi na mapigil ang pagsikat ng magkapatid na football player ng Philippine Azkals na sina James at Phil Younghusband. Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinaksihan ni entertainment reporter Lhar Santiago ang paglulunsad sa magkapatid bilang endorser ng isang clothing brand. Aminado ang magkapatid na mahilig din sila sa fashion. Katunayan, conscious nga daw sila sa kanilang isinusuot pero hilig nila ang smart-casual. Si Phil, mahilig din daw manalamin para nababantayan ang kanyang itsura lalo na kung may magpapakuha ng larawan. Sa kabila ng tinatamong kasikatan, hindi naman daw nakakalimutan nina Phil at James na ang lahat nang ito ay dahil sa football, partikular sa kanilang team na Philippine Azkals.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nauna nang sinabi ng magkapatid na nakatuon ang kanilang atensiyon sa nalalapit nilang paghaharap muli ng team Blue Wolves ng Mongolia sa March 15. At kahit lutang na lutang sa kanilang itsura ang pagiging Briton, sinabi ng magkapatid na Pinoy na Pinoy naman sila sa puso. Pero sa pagsasalita ng wikang Pinoy, aminado si James na mas mahusay sa kanya si Phil. âMas magaling ako sa kanya (mag-Tagalog), nahihiya siya," ayon kay Phil. Nang tanungin tungkol sa kanilang love life, hindi inilihim ni James na mayroon siyang tinatagpo ngayon. Habang si Phil, nakatuon naman daw ang atensiyon sa aktres na si Angel Locsin. "I've hung out with her a few times but we're in the getting-to-know-you stage," sambit ni Phil. Ibig bang sabihin ay taken na rin siya? âI donât know," natatawang sabi ng binata. - FRJimenez, GMA News