ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
5 pulis na pinaghihinalaang tumangay ng P12M ransom money, sumuko
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Sumuko na ang limang pulis na pinaghihinalaang tumangay sa P12 milyon ransom money, isang araw magtapos magpalabas ng shoot-to-kill order si Manila Mayor Alfredo Lim laban sa kanila. Sa pagharap nila kay Lim sa City Hall nitong Martes, itinanggi ng mga pulis na kinuha nila ang malaking bahagi ng ransom na ibinayad sa kidnappers ng Malaysian businessman. Sa ulat ng dzBB radio, kinilala ang mga sumukong pulis na sina Senior Inspector Peter Nerviza, Police Officer 3 Ernesto Peralta, Police Officer 3 Jefferson Britanico, Police Officer 3 Mike Ongpauco, at Police Officer 1 Rommel Ocampo. Ang mga nabanggit na pulis ang nagsisiyasat sa pagkidnap sa Malaysian businessman na si Eric Sim Chin Tong, noong Marso 6 sa Malabon City.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa sumunod na araw (Marso 7), napalaya ang biktima matapos umanong magbayad ng P16.3-milyong ransom. Ngunit nadakip din ng mga pulis ang mga hinihinalang kidnapper ng negosyante. Pero nang hanapin ang ibinayad na ransom, tanging P4.2 milyon na lamang ang naisauli dahil kinumpiska umano ng ilang pulis ang pera. Mula noong Biyernes ay hindi na nagreport sa trabaho ang limang pulis kaya pinatugis sila ni Lim. "[Pero] wala raw silang pinakailamang pera... Ang sinasabi nila, 'di umano baka nagsisinungaling daw iyong isa sa mastermind," pahayag ni Lim sa media matapos makaharap ang mga sumukong pulis. Mariing itinanggi ni Nerviza ang alegasyon ng nadakip na suspek na pinaghatian ng mga pulis ang ransom money. "Matagal ko pong inalagaan ang pangalan ng pamilya ko. Ito po ay alegasyon ng mga hinuli namin," ayon sa opisyal. Sa naturang press conference, nilinaw ni Lim na P15 milyon lamang at hindi P16.3 milyon ang ibinayad na ransom. Umabot umano sa P4.2 milyon ang perang isinauli ng limang pulis, habang P200,000 naman ang isinauli ng Bulacan police. Sa ngayon, P10.6 milyon pa umano ang hinahanap at hindi P12.1 milyon. "Ang problem nasaan ngayon iyon... What needs to be determined now ay alin version ang totoo," ayon sa alkalde. "Ang nangyari 'Gone with the wind.' Nalusaw ang pera. Wala namang tsunami dito eh naagos ang pera." Nitong Lunes ay nagbigay si Lim ng âshoot to kill" order laban sa pinaghahanap na mga pulis dahil armado ang mga ito at posible umanong maghatid ng panganib sa tutugis na mga pulis. - GMA News

More Videos
Most Popular