Itinanghal na Ms. Earth Philippines 2011 si Athena Imperial, na minsan nagtrabaho sa News and Public Affairs ng GMA 7. Sa panayam ni Jessica Soho sa State of the Nation, inihayag ni Imperial kung papaano nakatulong ang karanasan niya bilang Kapuso sa ginanap na kompetisyon. Jessica Soho: At para humarap muli sa live na question and answer ngayon, makaka one-on-one natin si Athena Imperial. Magandang gabi, Athena.
Athena Imperial: Magandang gabi rin
Jessica: Congratulations. Disclosure lang ho, nakatrabaho ko na po siya nung gumawa kami ng 100 Days special. Yung si âPNoy at ang mga Pinoy." Yan po si Athena. Athena, mabigat ba yung korona? Anong pakiramdam?
Athena: Mabigat po pero nasasanay na rin po.
Jessica: Anong pakiramdam na ikaw ang Ms. Earth 2011?
Athena: A little bit pressured kasi po siyempre umaasa sa âkin yung mga kababayan nating Pilipino para i-representa po ang Pilipinas sa darating na November. Pero Iâm trying to relax kasi wala naman pong mangyayari kung magpa-panic tayo eh. And patuloy po yung pagda-diet and pagte-training natin.
Jessica: Naku, at least ako walang ganyan. Pero Athena, ever since ba mahilig ka na sa mga beauty contest? Pang-ilang beauty contest mo na itong sinalihan?
Athena: National beauty contest, pangalawa po. Una po yung Mutya ng Pilipinas and kasama po ako sa top 12. And then dapat mag-i-stop na po ko dun. Sabi ko career na. Gusto ko talagang, mag-ano eh, sa media industry. And then I was convinced by Sir Rogil Flores, yun pong handler ni Lara Quigaman, Bianca Manalo and the other beauty queens. Sabi niya, this might be your ano, your beauty pageant, isa pa! Sabi niya one last and kung hindi pa rin, sige ituloy mo na âyang career mo sa media industry.
Jessica: What is it about joining beauty contests na gustong gusto mo? Kasi alam mo naman yung iba âdi ba hindi maganda ang tingin sa mga beauty contest. Kesyo nagagamit daw ang mga babae, all of these political issues. In your case, bakit?
Athena: Hindi naman po natin maikakaila lahat po ng babae, âwag niyo pong itanggi âyan, meron po tayong beauty queen dream. Ang akin po, gusto ko pong mapatunayan yung mga iniisip po nila tungkol sa beauty queen na mali po. Sa beauty pageant pinapatunayan po ng isang candidate na ang pagiging maganda, hindi lang sa physical na attributes ng babae, kundi kung ano po yung kaya niyang i-share sa mga tao.
Jessica: So, Nag-e-enjoy ka in this kind of endeavor?
Athena: Yes*
Jessica: What is it about yung pagsali, ano yung kinaka-enjoy mo?
Athena: Dito po sa Ms. Philippines Earth, marami po kasing natututunan. Kasi this is beauty for a cause na beauty pageant. Ang advocacy po namin ay more on environmental advocacies and meron din pong social and humanitarian issues na pinagtutuunan namin ng pansin. So unlike other beauty pageants po, dito marami ka talagang matututunan through experiences.
Jessica: And I understand nakatulong yung mga ni-research mong mga istorya sa Reporterâs Notebook, dun sa Q & A.
Athena: Sobra po. Like yung pagbibigay ko po ng mga facts. Kasi alam ko po na sa pagbibigay ng facts, naka-capture mo yung attention ng audience. And then mas maniniwala sila sayo dahil alam mo yung sinasabi mo. And then saka mo ipapasok yung ano ba sa tingin mo yung magiging solusyon dun sa mga environmental problems natin.
Jessica: Pwede bang matanong kung anong premyo diyan?*
Athena: Meron pong ano, financial na premyo and then yung mga sponsors po, nagbibigay din po sila ng premyo.
Jessica: Pero mabigat ang responsibilidad ah.
Athena: Opo, kasing bigat po ng korona.
Jessica: Anong expected na gagawin mo as Ms. Earth 2011?*
Athena: Meron po tayong expected na big project with the other queens pero hindi pa po namin napag-uusapan. Magkakaron pa lang po kami ng brainstorming. Pero as of now, ang sure po yung pagsuporta po natin sa pagboto po sa Puerto Princesa underground river para maging isa sa seven wonders of nature. So yun po. Hanggang July po kasi yung botohan nito at yun po yung talagang pino-promote naming mga nanalo sa Ms. Philippines Earth.*
Jessica: So, sa kaibuturan ng iyong puso, ikaw ay isang environmentalist? True blue.
Athena: Environment advocate.
Jessica: Anong naiisip mong dapat pagtuunan ng pansin sa ngayon?
Athena: Sa ngayon po, bilang researcher, bago po ako sumali talaga, nakipag-coordinate po ako sa Haribon and Green Peace. Talagang ginamit ko po yung skills ko sa pagiging researcher. And then nagtanong po talaga ko sa kanila bago ako sumabak sa contest. Sabi ko, ano po ba talaga sa tingin nila yung kailangan pagtuunan ng pansin, and sinabi po nila Mark Dia na ito nga po, yung global warming and climate change. And then meron po silang fi-norward na study sa âkin na through simple ways, kaya po nating mga Pilipino na pababain yung carbon emission dito sa bansa. Like yung pag-a-unplug po ng mga appliances natin âpag hindi natin ginagamit and yung pagkakaroon po ng carbon emission testing ng mga vehicles.
Jessica: Naku tama âyan. So anu-ano nang naiisip mo? One year itong reign mo.
Athena: 15 months.
Jessica: Yes, and then you will join the Miss Earth International in Thailand. Nasa media ka na tapos biglang may nagbukas na opportunity saâyo sa pagiging Ms. Earth 2011. So how does that impact in your future?
Athena: I think dun pa rin po ako magli-lead. Ibang route lang po ito. Kumbaga may⦠iba lang yung dinaanan ko pero dun pa rin po ako. Sa media pa rin po ako magla-land. And eventually gusto ko po talaga, ultimate dream is maging documentarist and magkaron ng family.
Jessica: Wow! Idol mo raw si Maki Pulido? *
Athena: Yes. Hi, Ms. Maki.
Jessica: So ano, yung gusto mo rin yung mga hard hitting na mga istorya?
Athena: Yes.
Jessica: Naku. Athena, ano ang mensahe mo sa mga kabataan? Na marami na ring nagiging environmentally aware sa kanila. The environment is a big issue now even among our youth. Bilang isa sa kanila, ano yung number one na mensahe na gusto mong iparating?
Athena: Simulan po natin habang bata pa tayo, simulan po natin yung concern natin sa ating kapaligiran like yung pagtatapon ng basura. Kung walang basurahan, ibulsa muna natin and yun nga po, yung mga appliances sa bahay, kung hindi natin ginagamit, i-unplug po natin. Sa simpleng pamamaraan po, makakatulong po tayo sa ating kapaligiran.
Jessica: May mensahe din siya dun sa mga nagpo-post ng ibaât iba. I think sign yun na, youâve arrived. Dumadami yung mga facebook accounts mo. Baka may gusto kang klaruhin dun sa mga nagpo-post?
Athena: Yun pa rin po yung dati kong facebook pero siyempre hindi ko po sasabihin. Yun pa rin po. Simpleng simpleng ako lang. Hindi ako nagpo-post ng kung anu-ano regarding the pageant.
Jessica: Maraming salamat Athena Imperial. Weâre proud of you. Congratulations and good luck sa sasalihan mo pang pageant sa Bangkok.
Athena: Thank you maâam.*
Jessica: Thank you. â
GMA News