GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

‘The Road,’ bagong horror-suspense movie ng GMA Films

June 21, 2011 11:50pm
Isang three part horror-suspense movie na may titulong The Road ang inihahanda ng GMA Films para sa mga manonood na pagbibidahan ng mga Kapuso at Tween stars.

Sa In the Limelight ng GMA News TV 11 nitong Martes, sinabing dumalo sa ginanap na story conference ng pelikula ang mga cast nito katulad nina TJ Trinidad, Ynna Asistio, Barbie Forteza, Louise Delos Reyes, Lexie Fernandez, Alden Richards at Derek Monasterio.




Kasama rin sa movie sina Marvin Agustin, Carmina Villaroel, at Rhian Ramos.

“Ako yung lead investigator dito na itinadhana na umimbestiga dun sa mga nawawalang tao. Ako yung magso-solve ng mystery," kuwento ni TJ.

Excited din si Ynna dahil ito ang kanyang first movie. Kasama umano siya sa third story ng The Road kung saan gaganap siyang kasambahay nina Marvin at Carmina. – FRJ, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus