ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sen Chiz Escudero on Kris Aquino: ‘We’re just friends’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Todo tanggi si Sen Francis “Chiz" Escudero na may romantikong namamagitan sa kanila ng controversial television host/actress na si Kris Aquino. Sa panayam ng DWIZ radio nitong Miyerkules, sinabi ni Escudero na kaibigan lang niya si Kris – bunsong kapatid ng kanyang kaibigan din na si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III. Nagkaroon ng mga espekulasyon na nagkakamabutihan sina Escudero at Kris, matapos lumabas ang artikulong isinulat ng showbiz columnist/host na si Rickly Lo noong Abril, na umano’y hiwalay na ang senador sa asawa nitong si Christine Elizabeth “Tintin" Flores. (Basahin: Chiz's camp mum on senator's reported separation with wife) Samantala, nasa korte na rin ang annulment case para sa paghihiwalay nina Kris at mister nitong professional basketball player na si James Yap. Nilinaw ni Escudero na wala siyang binanggit hinggil sa tunay nilang relasyon ng TV host-actress, at maging sa tunay na estado ng buhay niya ngayon, nang mag-guest siya sa programa ni Kris. “Walang kailangang aminin kundi yung aktuwal na sitwasyon," pagdiin niya. Gayunman, nanatiling tahimik ang senador tungkol sa tunay na estado ng pagsasama nila ng kanyang asawang si Christine. Nauna nang nilinaw ni Kris na walang namamagitang espesyal sa kanila ni Escudero, maliban sa kanilang pagiging magkaibigan. Sinabi ng kapatid ng pangulo na wala siyang ng ideya kung paano at saan nagsimula ang isyu na nagli-link sa kanya ngayon kay Escudero.-- GMA News