ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sam Pinto accepts friendly date with Alden Richards


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Sure, ano gagawin natin." Ito ang tugon ng Philippines' Sexiest Woman na si Sam Pinto sa hiling na friendly date ng Kapuso tween heartthrob na si Alden Richards. Sa In the Limelight ng GMA News TV 11 nitong Miyerkules, nakitang nahihiya at nag-aalinlangan si Alden nang personal na ayain ng date ang kanyang crush na si Sam. Nagkaroon ng pagkakataon ang young actor na makaharap ang 2011 Sexiest Woman ng FHM magazine, habang nagpapahinga sila sa shooting ng Tween Academy Class of 2012. Una kasing inihayag ni Alden ang kahilingan niyang maka-date si Sam sa showbiz talk show na Showbiz Central noong Linggo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kaya naman masayang-masaya ang aktor nang personal na makuha ang sagot mula kay Sam na okey lang sa kanya na maka-date ang mas batang si Alden. Sa isang ulat naman ng Philippine Entertainment Portal (PEP), sinabi ni Sam na hindi naman niya nakikita ngayon na mahulog ang loob niya at magkaroon ng romantikong relasyon sa mas bata sa kanya. "Me, I prefer older men lang. Pero... I don't know. Ever since, I never had a boyfriend than me," pahayag ni Sam sa PEP.ph. Idinagdag ng magandang aktres na mas nakatuon ang kanyang atensiyon ngayon sa career at hindi sa pag-ibig. – FRJimenez, GMA News