Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

PEP: Sam Pinto and Alden Richards go on cruise date

August 5, 2011 3:26pm

"Windy! But it was nice," ang unang nasambit na reaksiyon ni Sam Pinto pagkatapos ng date nila ng baguhang aktor na si Alden Richards nitong Huwebes, August 4.

Nagsimula ito sa pambubuyo ng co-stars nila sa Tween Academy Class of 2012 na imbitahan ni Alden ang crush niyang si Sam na makipag-date sa kanya.

Nasorpresa ang 21-year old model-turned-actress nang dalhin siya ni Alden sa docking area ng Prestige Cruises sa Manila Bay bandang 5:30 ng hapon.

Nagka-idea ba siya beforehand kung ano ang mangyayari sa date nila ni Alden?

"Not at all," sagot ni Sam.

"Sobrang [surprising] kasi wala talagang nagsabi sa 'kin ng mangyayari today.

"Ang alam ko lang, ang sabi nga sa 'kin, MOA, e. Sabi ko, 'Ano namang gagawin natin sa MOA?'

"So, nung papunta na dito, medyo nagka-hint na 'ko.

"Actually, sabi ko sa kanya [Alden], 'Surprise me,' and na-surprise nga ako.

"Kasi ine-expect ko mga dinner-dinner lang talaga na ordinary, e, ito extraordinary.

"I'm happy naman. Very happy."

Nasiyahan din naman si Alden na puspusang naghanda para sa date nila ng kanyang hinahangaang aktres na kamakailan lang ay hinirang ng FHM magazine bilang sexiest woman in the Philippines this year.

"Thank you [to Sam] because the efforts paid off," sabi ng binata.

"Siyempre yung pressure kasi since nga in-ask ko si Sam Pinto.

"And then, yun nga, she's Sam Pinto and hindi naman puwedeng dalhin somewhere na kumbaga diyan lang na restaurant.

"So, I wanted the date to be very special and very romantic."

Paano nga ba niya pinaghandaan ang kanilang date?

"Yun nga, I wanted the date with Sam to be special, like candlelit dinner sa yacht.

"Tinulungan ako ng manager ko to tap Sweet Deals website na nag-organize ng dinner cruise na 'to for us," kuwento ni Alden.

Kumusta naman ang experience niya sa kanyang kauna-unahang date with a showbiz girl?

"The experience is a lot of fun. Talagang we got to know each other really good. And the food was good. Parang it's a date to remember talaga.

"It's actually more of [spending] quality time, more of getting to know each other, kasi we don't know much about each other pa naman, e," saad ni Alden.

Over their one-hour long dinner cruise ay marami silang nadiskubre tungkol sa isa't isa.

"I found out na dati she can't speak tagalong kasi she grew up in the States.

"I also found out na kahit FHM sexiest siya, wala siyang effort.

"She eats anything she wants, she doesn't go to the gym. Ang galing," kuwento ni Alden tungkol kay Sam.

Tila na-impress naman si Sam sa pagiging mahusay na conversationalist ng 18-year old na si Alden.

Aniya, "Ako naman, ang galing niya mag-English. He grew up in Laguna, pero ang galing niya mag-English, grabe!

"And he likes exotic animals. Gusto niyang maging pet ang tiger and mga snakes."

Nang tanungin namin si Sam kung ano ang overall rating niya sa date nila ni Alden ay "ten" o perfect score ang naging sagot ng dalaga.

Dahil sa magandang feedback ukol sa kanilang first date, tinanong namin sina Sam at Alden kung masusundan pa ba ang date na ito at ano sa tingin nila ang patutunguhan ng kanilang newfound friendship.

"We just got to know each other, e. Siguro magme-maintain muna as friends.

"We'll see. We'll never know what happens next," sagot ni Sam. -- Demai Sunio-Granali, PEP
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus