Mungkahing Moro sub-state, dapat daw ikonsulta sa mga mamamayan ng Mindanao
Bagaman iginagalang ang hangarin ng Moro Islamic Liberation Front na magkaroon ng Moro sub-state sa Mindanao, sinabi ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu na kailangan munang makonsulta ang mga lider at mamamayan sa rehiyon. "We should first get a consensus from the people and the leaders. Dapat tanungin muna sila," pahayag ni Mangudadatu sa media nitong Miyerkules nang dumalo sa Maguindanao massacre trial sa Taguig City. Idinagdag niya na tatapusin niya ang kanyang termino bilang gobernador ng Maguindanao na kabilang sa ilang lalawigan na nakapaloob sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). "I was mandated by the people so my mandate [as governor] ends when my term ends," paliwanag niya. Dahil sa mungkahing Moro sub-state ng MILF, nagkaroon ng katanungan kung ano ang mangyayari sa ARMM na naging bahagi naman ng usapang pangkapayaan sa Moro National Liberation Front (MNLF) noong panahon ni dating pangulong Fidel Ramos. Noong nakaraang linggo, naganap ang makasaysayang pakikipag-usap ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III sa mga lider ng MILF sa Tokyo, Japan. Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni House Minority leader Rep Edcel Lagman, na dapat amyendahan ang Konstitusyon para maipatupad ang sub-state at kailangan din itong dumaan sa plebisito. âThe requisite constitutional amendment would have to be proposed by a constituent assembly, constitutional convention or peopleâs initiative, and subject to ratification in a nationwide plebiscite because basic principles and provisions of the Constitution of 1987 would have to altered or repealed," paliwanag niya. Bagaman maaari umanong pabilisin ang negosasyon ng pamahalaan at MILF, kailangan naman dumaan sa proseso ang anumang mapagkakasunduan na kakailanganing baguhin ang laman ng Saligang Batas. - GMA News