Hilagang Luzon, niyanig ng magnitude-6 na lindol
Niyanig ng magnitude-6.0 na lindol ang dulong bahagi ng hilagang Luzon nitong Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa ulat ng Phivolcs, ang pagyanig na âtectonic in originâ ay naganap dakong 10:65 a.m. at naramdaman hanggang sa Ilocos region. Ang epicenter ng lindol ay nasa 23 km hilagang-kanluran ng Calayan Island. Naramdaman ang Intensity II ng lindol sa bayan ng Pasuquin at Laoag City sa Ilocos Norte. Wala namang naitalang pinsala na idinulot ang naturang lindol. Sa talaan ng United States Geological Survey, lumitaw na nasa magnitude 5.4 ang naganap na lindol. Sa ipinalabas na bulletin ng USGS ang epicenter ay nasa: ⢠116 km north-northeast ng Laoag ⢠168 km south-southwest ng Basco, Batanes ⢠233 km north-northwest ng Ilagan, Isabela ⢠500 km north ng Maynila. â GMA News