ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kumpirmasyon ni Brillantes hindi na naman nakalusot sa CA
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Muling ipinagpaliban sa ikatlong pagkakataon ang kumpirmasyon ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes Jr. sa Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkules. Kinapos ng panahon ang CA committee on constitutional commissions and offices, na dinggin ang kumpirmasyon ni Brillantes matapos ihabol ni dating Comelec law department head Ferdinand Rafanan ang oposisyon sa kanyang âboss" sa ahensiya. Itinakda ang susunod na pagdinig sa kumpirmasyon ni Brillantes sa Setyembre 21. Una rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Jose "Jinggoy" Estrada, pinuno ng komite, na nito lamang umaga ng Miyerkules nila natanggap ang affidavit ni Rafanan kontra sa kumpirmasyon ni Brillantes. Dahil dito, tinalakay muna ng mga miyembro ng komite kung tatanggapin pa nila ang petisyon ni Rafanan, na nag-akusa kay Brillantes nitong Martes na lumabag sa anti-graft law nang utusan umano siya na lakarin ang kaso ng dalawang opisyal ng Comelec na nakabinbin sa Office of the Ombudsman. Nagpahayag ng pagtutol sina Senate President Juan Ponce Enrile at Alagad party-list Rep. Rodante Marcoleta, na tanggapin pa ang pahabol na pagkontra ni Rafanan kay Brillantes. "This case has been published since April. If he is going to hold us up today by filing an affidavit and he is not here, that means that this is a subterfuge, a machination to impede the work of this commission. Personally I'm voicing my opposition, I'm not in favor of it," paliwanag ni Enrile. Iginiit naman ni Senate Minority Floor Leader Alan Peter Cayetano, na mahalaga ang petisyon ni Rafanan tungkol sa akusasyon nito laban kay Brillantes na may kaugnayan sa kaso ng dalawa nilang kasamahan sa Coemelec na nasuspindi bunga ng alegasyon ng anomalya sa ballot secrecy folder. Bagaman pinaboran ng mas nakararaming miyembro ng CA na tanggapin ang petisyon ni Rafanan, hindi na rin ito natalakay dahil kinailangan nang bumalik sa Kamara de Representantes ang mga miyembrong kongresista para dumalo sa budget hearing. Bukod dito, muling inusisa ni Cayetano si Brillantes sa umanoây kawalang aksyon ng opisyal sa mga sangkot sa sinasabing dayaan na naganap noong 2004 presidential elections. Kinuwestiyon din ng senador ang ginawang pag-alis kay Rafanan bilang pinuno ng legal department ng Comelec dahil lamang sa pagpuna ng opisyal sa patakaran ng kasalukuyang pamunuan ni Brillantes. "In the context of tuwid na daan, we need noisy people. Removing him (Rafanan) is obviously sidelining him," deklara ni Cayetano. â GMA News
More Videos
Most Popular