ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Recto may solusyon para mapigil ang pagtaas ng singil sa kuryente
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â May iminungkahing solusyon si Sen. Ralph Recto para mapigilan ng pamahalaan ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente na idinadaing din ng mamamayan. Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Recto, chairman ng Senate committee on ways and means, na maaaring gamitin ng pamahalaan ang P25 bilyong kita sa Malampaya Gas Project para mapunan ang dagdag na singil sa kuryente na ipinapatupad ng National Power Corporation at Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) at National Power Corp (Napocor). Ayon sa mambabatas, kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang mga kasalukuyang pinagkukunan ng kita ng gobyeno at magamit ng wasto sa halip na magpatupad ng bagong buwis at pagpatupad ng mga bagong singilin. "The last thing you want to do is raise taxes. Gawin muna nila ito bago mag-isip ng bagong buwis at fees," payo ni Recto, na siya ring senior vice-chairman ng committee on finance. Nauna nang tinutulan ni Recto na patawan ng buwis sa toll at maging ang pagtaas ng singil sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit systems. Nagbabala siya na mga âmiddle class" ang pangunahing maapektuhan sa mga gagawing pagtaas sa mga singilin. Sa isang pagdinig sa Senado, iminungkahi ng mga senador, dapat paghusayin muna ng pamahalaan ang serbisyo sa nasabing mass transport systems bago magpatupad ng bagong singil sa pamasahe. Ayon kay Recto, ang panibagong P25 bilyong nakolekta ng pamahalaan bilang bahagi sa Malampaya gas project ay makabubuting gamitin bilang subsidiya para mapigil ang pagtaas ng singil sa kuryente. Nitong Miyerkules, inihayag ng Palasyo na inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapalabas ng P4.9 bilyon mula sa Malampaya fund upang pag-ibayuhin ang seguridad sa natural gas exploration na isinasagawa sa Palawan. Samantala, sinabi ni Recto na pwede ring gamitin ang mga dividend na ipinapasok sa mga government owned and controlled corporations (GOCCs) at kita sa mga privatization projects upang punan naman ang singil sa pamasahe sa at iba pang gastusin sa mga infrastructure project. Pagtaya ni Recto, kayang magbigay ng P11 bilyon mula sa dividends sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at P18 bilyon naman sa state-run Development Bank of the Philippines (DBP). - GMA News
More Videos
Most Popular