ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pulse Asia survey: VP Binay, mas pinagkakatiwalaan kaysa kay PNoy
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â sa limang pangunahing opisyal sa pamahalaan, si Vice President Jejomar Binay ang lumilitaw na pinaka-pinagkakatiwalaang opisyal ng mga Pilipino kung paniniwalaan ang survey na ginawa ng Pulse Asia. Batay sa survey na ginawa ng Pulse Asia nitong Aug 20 hanggang Sept 2, umabot sa 86 percent ang trust rating ni Binay, kumpara sa 75 percent na nakuha ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III. Samantala, 85 percent naman ang nakuhang approval rating ni Binay, kumpara sa 75 percent ni Aquino. Sa nakaraang survey ng Pulse Asia noong May 21- June 4, nakakuha si Binay ng approval rating na 83 percent, at trust rating na 81 percent. Kamakailan ay inihayag ni Binay ang kanyang intensiyon na tumakbong pangulo sa 2016 elections. Iba pang pangunahing opisyal Samantala, nakakuha naman si Senate President Juan Ponce Enrile ng 65 percent na approval rating at 59 percent trust rating. Dagdag pa sa survey, 55 percent ng mga tinanong ang nasisiyahan sa trabaho ng institusyon ng Senado, habang 53 percent naman ang nagtitiwala sa kapulungan. Umabot naman sa 45 percent ang approval rating ni Speaker Feliciano Belmonte, at 59 percent naman ang trust rating. Mas mababa naman ang approval rating ng institusyon ng Kamara de Representantes na 48 percent, at 47 percent naman sa trust rating. Pinakamababa naman ang approval rating ni Supreme Court chief justice Renato Corona na 37 percent, at 31 percent na trust rating. Sakabila nito, mataas naman ang approval rating ng institusyon ng Korte Suprema na nakakuha ng 55 percent, at trust rating na 54 percent. -- GMA News
More Videos
Most Popular