ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PNoy, ipinasisilip kung pasok sa economic sabotage ang ginawang welga sa PAL
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Ipinasusuri ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III sa mga abogado ng pamahalaan kung nararapat na sampahan ng kaso ang mga nagwelgang empleyado ng Philippine Airlines (PAL). âTinitingnan ng mga abugado ko kung gaano ka-clear (na mai-consider ang ginawang strike bilang economic sabotage)," pahayag ng pangulo sa mga mamamahayag na Pinoy sa Tokyo, Japan nitong Martes ng gabi. Ayon kay Aquino, ang pansamantalang paghinto ng serbisyo sa paliparan ay paglabag sa Civil Aviation Authority Act of 2008 na may kaparusahang na pagkabilanggo o pagbayad ng multa. âAny person who disrupts the services of an airport is criminally liable under the Civil Aviation Authority Act of 2008 and may be penalized with imprisonment ranging from one year to three years or a fine of not less than 50,000 pesos but not exceeding 500,000 pesos or more as determined by the court," paliwanag ng Punong Ehekutibo. Dagdag pa niya, ang mga empleyado ng PAL na tumangging gawin ang kanilang trabaho, tulad ng pagbabantay sa check-in counters, pagtanngi sa pag-check in ng mga pasahero, at ang pag-iwan ng ground crew sa kanilang mga puwesto ay maaaring ituring âdisruption of airport servicesâ sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2. Sa isang press briefing sa Malacañang nitong Miyerkules, ipinahayag ni presidential spokesperson Abigail Valte na tuloy ang conciliation meeting ng PAL management at ng mga pinuno ng PAL Employees Association o PALEA. Tinututulan ng PALEA ang outsourcing program na gagawin g pamunuan ng PAL na nakatakdang magsimula sa Oktubre dahil 2,600 na kawani umano ng paliparan ang mawawalan ng trabahi. Nitong Martes, 14,000 pasahero ang naabala ang biyahe dahil sa biglaang pagtigil sa trabaho ng may 300 miyembro ng PALEA. - AF,FRJ/ GMA News
More Videos
Most Popular