We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sina House Speaker Feliciano Belmonte (kanan) at Senate President Juan Ponce Enrile nang dumalo sa unang Legislative Summit sa EDSA Shangri-la Plaza Hotel -- Mark Adrian
MANILA â Nagkasundo ang mga lider ng Kamara de Representantes at Senado na ituloy ang pag-amyenda sa Saligang Batas upang baguhin ang ilang probisyon tungkol sa ekonomiya. Ang desisyon ay ginawa nitong Huwebes sa kauna-unahang Legislative Summit na ginanap sa EDSA Shangri-la Plaza Hotel. Ang pulong ay pinangunahan nina Speaker Feliciano âSonny" Belmonte Jr. at Senate President Juan Ponce Enrile. Sa press conference, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na kabilang sa napagkasunduan ng dalawang kapulungan ay amyendahan ang mga economic provision sa regular na paraan ng pagpasa ng batas. Layunin umano ng Kongreso na tugunan ang mataas na kumpiyansa ngayon sa bansa ng mga namumuhunan. âWhat I have proposed is a bicameral constituent assembly. Aamyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng bicameral constituent assembly kung saan ang magkabilang Kapulungan ng Kongreso ay boboto ng hiwalay. We will use the regular process and lawmaking procedure in amending the Constitution," paliwanag ni Drilon. Bagaman hindi pa natatalakay ang mga partikular na probisyon na babaguhin, ipinaliwanag naman ng senador ang proseso sa gagawing pagpasa ng batas na mag-aamyenda sa Konstitusyon. Ayon kay Drilon, magkahiwalay na boboto ang mga senador at kongresista, at kailangang makakuha ng three-fourths na boto ang magkabilang kapulungan para maipasa ang panukalang batas. Kapag nakalusot sa Kongreso ang panukala, isasalang naman ito sa plebisito para makuha ang pagsang-ayon ng publiko. âWe will amend some specific provisions of the Constitution and will not open the entire documents. The process will be transparent and we will invite experts and submit it to the people for plebiscite. The process will not only involve legislators but also the people. Nothing will be effective until ratified by the people," pagtitiyak ni Drilon. Bagaman hindi mainit ang Malacanang na amyendahan ang Saligang Batas, naniniwala si Belmonte na mauunawaan ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III ang kanilang hangarin para mapasigla ang ekonomiya ng bansa. âHe (President Aquino) will see that there are no ulterior motives of anybody, we just want to make the country more competitive and attract more investments here and so forth and these are his common goals," ayon sa lider ng Kamara. âThere is a great amount of agreement on what should be tackled and that is only the economic provisions and nothing more. This is relatively straight forward," dagdag niya. Maging si Enrile ay umaasa na ikalulugod ni Aquino ang layunin ng mga mambabatas sa gagawing paggalaw sa Konstitusyon. âThe final act will be the sovereign people, we can only recommend as legislators of the country," ayon sa senador Una rito, sinabi House Majority Floor Leader Rep Neptali Gonzales II, na kabilang sa mga kailangang baguhin ay ang probisyon na naglilimita sa 40 percent ng ownership sa mga kompanya sa pagmimina. Una rito, sinabi sa Malacanang na mas nais tutukan ni Aquino na linisin muna ang burukrasya upang maging patas ang pagnenegosyo sa bansa at makahikayat ng mas maraming mamumuhunan. - GMA News