ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kakasa ka ba sa Military Training Science?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

KAKASA KA BA? (Military Training Science / Oct. 9, 2011 / 9:30am) Kung akala n’yo na madali maging parte ng HUKBONG SANDATAHAN… NEBER! Ipununin na ang lakas dahil mapapasabak tayo sa matinding bakbakan kasama ang PHILIPPINE MARINE CORPS. Ibabahagi nila sa mga Ka-AHA ang science sa likod ng kanilang matitinding pagsasanay. Ang iba’t-ibang military tactics, mapa-land o water man, ipapasubok sa atin ng mga tinaguriang bayani sa gitna ng labanan at maging sa pagsagip-buhay sa mga panahon ng kalamidad. P.M.A. as in si Patani may Misyon sa AHA!? Tama! At sa PHILIPPINE MILITARY ACADEMY sa Baguio City ang destino n’ya para usisain ang science behind PMA’s various trainings. Susuko o kakayanin kaya ng ating frustrated kadete ang disiplina sa PMA -- mula sa pag-gising, pagkain sa mess hall at maging sa matinding physical trainings? AHA-bangan!!!

Tags: military