GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

‘Boy Pick-Up’ the movie, niluluto na

October 19, 2011 10:12pm

Niluluto na ang pagsasapelikula ni ‘Boy Pick-Up,’ ang sikat na karakter ngayon sa longest-running comedy show ng GMA 7 na Bubble Gang.

Sa Showbiz Exclusive ng GMA News TV 11 nitong Miyerkules, mismong si Ogie Alcasid, aka Boy Pick-Up, ang nagkwento na kasama sa gagawing movie ang original cast nito sa Bubble Gang.

“Mayroon na kaming naisip, siyempre nandun yung original cast… yung mga pick-upista siyempre nandoon. But yung with regards to others pagka-confirm na saka namin a-announce," ayon kay Ogie.




Pero hanggat hindi pa umano binibigyan ng go-signal si Ogie na isiwalat ang buong detalye para sa “Boy Pick-Up’ the movie, mananatili raw munang sikreto ito.

Mula nang gawing segment sa Bubble Gang si “Boy Pick-Up,’ humatak na ito ng maraming followers. Makikita ito sa dami ng nagvi-view sa mga episode na ina-upload sa Youtube.

Hindi katulad ng karaniwang pick-up lines na romantiko ang dating, ang mga hirit na pick-up lines ni Boy Pick-Up ay walang katuturan pero patok.

Isa rin sa dapat abangan sa 'Boy Pick-Up' the movie ay ang love interest ni Boy Pick-Up na si “Neneng Bakit" o Neneng B, na ginagampanan ni Sam Pinto.

Narito ang isang patok na hirit ni Boy Pick-Up:

Boy Pick-Up: “Kape ka ba?"

Neneng B: “Bakit?"

Boy Pick-Up: “Kasi nahihirapan akong umihe kapag may nakatingin sa akin." - FRJimenez, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus