ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
PEP: Claudine Barretto ‘loses’ account balance at a bank
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV "We were here for more than 30 minutes. "I was able to confirm from the teller that the funds were still there. "And then suddenly, about 40 minutes or 30 minutes later, wala na yung funds." Napag-alaman ni Nelson na ang nawawalang pera ay galing sa joint account ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago. And/or ang naturingang bank account. Ibig sabihin, kahit isa lang sa mag-asawa ay puwedeng mag-withdraw ng kanilang pera. Ayaw namang magkomento ng bank manager nang hingan ng panig ni Nelson tungkol sa nangyari. "Hindi po ako makakapag-comment," sabi lang ng manager. Sinubukan din ng GMA News na kunan ng pahayag si Raymart tungkol sa isyu, pero hanggang sa press time ay hindi pa rin ito nagbibigay ng pahayag. Samantala, nakausap din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Maranan kaninang hapon sa pamamagitan ng telepono. Nang hiningan ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan ng pahayag ang abugado ni Claudine, sinabi nitong humingi muna raw kami ng permiso mula sa tumatayong manager ng aktres na si Shirley Kuan. Si Shirley raw ang magbibigay ng go-signal kung maaari siyang maglabas ng statement sa PEP. Hindi pa sumasagot sa text message ng PEP si Shirley. Pero ayon kay Atty. Maranan, tungkol sa nangyari kay Claudine: "I was there. It happened. It was not right." Bukás ang PEP sa panig ni Raymart tungkol sa isyung ito. -- Glen P. Sibonga, PEP
Tags: claudinebarretto, raymartsantiago
More Videos
Most Popular