GMA News Online
Public Affairs

Sanib Puwersa: Mabigat na kalbaryo

October 28, 2011 10:41am

Sanib Puwersa with Mel Tiangco and Arnold Clavio

“MABIGAT NA KALBARYO”

Sanib Puwersa kasama sina Mel Tiangco at Arnold Clavio
ngayong Oktubre 30, 2011 
Tatlong taon nang lumolobo ang tiyan ng apatnapu’t limang taong gulang na si Fe habang mahigit isang taon nang tila may karga sa sinapupunan ang tatlumpu’t anim na taong gulang na inang si Baby. Dahil ang bukol sa kani-kanilang tiyan, natukoy ng mga espesyalista na isang uri ng tumor na tinatawag na ‘myoma’.

Kung tutuusin, may lunas pa para mapagaling ang karamdaman ng dalawang ginang. Pero dahil sa kahirapan ng buhay, isinasantabi nila ang sakit at sa halip ay iniinda na lamang ang patuloy na paglaki ng kanilang mga tiyan. Malayo sa kanilang lugar ang pinakamalapit na ospital at hindi raw nila kaya ang mataas na halaga ng gamutan. 
Sinasalamin nina Fe at Baby ang tila napakailap na lunas sa mga kababayan nating nangangailangan ng atensyong medikal. Maliit kasi ang budget ng gobyerno na apatnapu’t siyam na piso taun-taon sa bawat isang Pilipino, para sa mga programang pangkalusugan. ‘Di tuloy nakapagtatakang ang ilang sakit, hindi agad natutukoy kaya lumalala at nagiging malubha.

Kapit-bisig na tutugon ang dalawa sa mga haligi ng GMA News and Public Affairs na sina Mel Tiangco at Arnold Clavio para tulungan ang mga babaeng ito at hingan ng pagtugon ang mga kinauukulan. 
Ngayong Linggo ng gabi, humanda na sa pinagsamang aksyon at pag-asa, sa SANIB-PUWERSA, 9:15 PM pagkatapos ng Protégé Gala Night sa GMA.

“BEARING THE BURDEN”
Sanib Puwersa with Mel Tiangco and Arnold Clavio
October 30, 2011
For the last three years, 45-year-old Fe has helplessly watched her stomach grow big… to alarming proportions.  The same goes for 36-year-old Baby who has endured such a condition for a year.  Experts say they are afflicted with myoma, a kind of tumor.

Their affliction can easily be remedied but because of poverty, both women have no choice but to ignore their suffering and their continuously swelling stomachs. Medical aid is inaccessible, not only because of their remote areas of residence, but also because they simply cannot afford it.

Fe and Baby mirror the dilemma of most Filipinos to which healthcare remains elusive. Clearly, the government’s annual health allocation of P49 for each Filipino is not enough.  Because of the lack of funds, some illnesses are not diagnosed early and end up worsening.
Together, two of the pillars of GMA News and Public Affairs endeavor to help alleviate the problem.  As Mel Tiangco acts on the needs of the two women, Arnold Clavio seeks answers from the government.
Prepare for an evening of taking action and giving hope on SANIB-PUWERSA, this Sunday at 9:15 pm, after Protégé Gala Night on GMA.

Go to comments