ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Simbahan, binalaan ang mga Katoliko sa mga pekeng pari


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binalaan na ng opisyal ng Simbahan ang mga Katoliko sa mga pekeng paring umiikot sa mga semeteryo at humihingi ng mga donasyon matapos nilang magbasbas ng mga puntod. Sa ulat ng Radio Veritas nitong Lunes, binalaan ni Palawan Bishop Pedro Arigo ang publiko sa panibagong modus operandi ng ilang kalalakihan na nagkukunwaring pari na binabasbasan ang mga puntod sa mga sementeryo. Ang mga pekeng paring ito, may dalang bote ng "holy water" at iba pang props, at may kasamang ilang mga batang lalaki na mukhang mga sakristan. Ayon sa pangulo ng Radio Veritas at Caritas Manila executive director na si Fr. Anton Pascual, hindi gawain ng mga tunay na pari ang pagbabasbas ng mga puntod maliban na lamang kung hilingin ito ng pamilya. Upang mapatunayan na tunay na pari nga ang isang tao, ihihayag ni Arigo na hingin muna ang "identification (ID) celebret," isang dokumento na nagpapakita na ang isang tao ay may awtoridad na pamuan ang mga sakaremnto. "Dito sa diocese namin sa Palawan ay hindi natin pinapayagan ang mga pekeng pari na magbasbas sa mga puntod sa mga sementeryo," aniya. Dagdag pa niya, madali lamang magkunwaring pari at makahingi ng pera kaya kinakailangang mag-ingat. Aniya, "Sana mag-ingat sila at huwag basta magtiwala sa mga pumupunta sa puntod para magbasbas." Sa kabilang banda, ayon kay Fr. Pascual, madali lamang matukoy kung tunay o peke ang isang pari. Ayon sa kanya, ang tunay na pari ay laging may dalang ID at celebret na pinirmahan ng bishop sa diocese na kanyang pinagsisilbihan. “Kung ang isang pari ay nagbabasbas ng puntod sa mga sementerto ngayong panahon ng undas ay magduda na tayo, tatanungin mo na ito kung mayroong siyang ID celebret para matiyak na siya ay hindi bogus na pari," aniya. Pag-alala sa mga namayapa Hinihimok naman ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mga Katoliko na suriin ang kanilang paggunita ng Undas. “Marami sa mga ginagawa ng tao ngayon ay dapat itama. Ang mga tradisyon na nawala ng diwa ng kahulugan,ng kabuluhan dahil nga hindi pinagdiriwang sa tamang paraan," aniya. Pinaalala rin niya na ang Halloween o All Hallows Eve ay isang banal na selebration sapagkat bisperas ito ng All Hallows or All Saints Day. Ayon kay Ongtioco, "Kabaligtaran ang nangyayari. Ang nakita natin demonyo yung mga symbols na ginagamit. If the devil comes in the picture because of the saints they were triumphant over evil." Binigyan din niyang diin ang kahalagahan sa pagdarasal sa mga namayapa kapag bumibisita sa mga sementeryo. "Hindi naman bawal ang mag-kwentuhan, pero yung purpose ng pagpunta natin ay para magdasal kahit sandali, kahit ilang minute lang, sama-sama bilang community dahil kapag ang ilang tao ay nakaipon sa ngalan ni Hesus it becomes the prayer of Jesus. When two or three if gathered I am in the needs of them, in His name but we may gathered in different name," aniya. Seguridad sa mga sementeryo Samantala, inatasan na ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez ang mga security guards sa La Loma Cemetery at iba pang memorial parks sa Diocese ng Kalookan, na hingan ng ID celebret ang mga paring nagbabasbas sa mga puntod. "Dapat nating mapigilan ang masamang balakin ng mga nagpapanggap na pari upang makapagsagawa ng pagbabasbas sa mga puntod ng yumao at maningil sa mga namatayan," inihayag ni Iñiguez sa Radio Veritas. "Dapat sa gate pa lang ng mga sementeryo ay mapigilan na ang mga pekeng pari. Ipinagbabawal natin ang mga pekeng pari sa lahat ng sementeryo na nasasakupan ng Diocese ng Kalookan," aniya. Called to be holy Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, ang paggunita ng All Saint's Day at All Soul's Day ay dapat maging paalala sa mga Katoliko sa tawag ng Second Vatican Council na maging banal. “Batay sa paalala ng Second Vatican Council,We are called to be holy, ito ang pagpapaalala at hamon sa atin na mayroong tayong misyon sa lupa na magpakabanal.Sa ating araw-araw na buhay ay magnilay tayo at sikaping gumawa ng mabuti," aniya. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News

Tags: undas2011, undas