Bea Binene, naiyak sa kanyang bday kasama ang mga batang may cancer
Mas pinili ng Kapuso tween star na si Bea Binene na ipagdiwang ang kanyang 14th birthday kasama ang mga batang may cancer. Pero sa gitna ng selebrasyon, hindi napigilan ng dalaga na maiyak nang matanong tungkol sa kanyang ama. Sa halip na mag-party kasama ang mga kaibigan, mas pinili ni Bea na makasalamuha ang mga batang may cancer sa kanyang kaarawan, ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Ang mga batang may sakit ay ilan lamang sa mga beneficiary ng GMA Kapuso foundation na matagal na ring tinutulungan ng ni Bea. Masayang-masaya naman si Bea kasama ang mga bata. Naghandog siya ng mga parlor game, may magic show, at namahagi rin ng mga regalo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Doble ang naging selebrasyon dahil kasabay ni Bea na nagdiwang ng kaarawan ang 7-year-old na si Ghian May Buniel, na mayroon ding karamdaman. At nang tanungin kung ano ang birthday wish ni Bea, tugon niya: âGood health for me and may family, sa lahat ng mga tao around me. Tapos more projects and more shows, sana wala nang magkaaway-away sa mundong ito." Hindi naman napigilan ni Bea na maiyak nang mapag-usapan na ang tungkol sa kanyang ama na hindi na niya nakikita mula nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. âIâm sure naman alam niya birthday ko pero hindi ko na alam sa kanya kung babatiin niya ko. Siguro yun na lang yung thought na iniisip ko na alam naman ni papa âyan, okey lang yun," anang tween star. Ngunit kahit hindi siya batiin, sinabi ni Bea na hindi mawawala ang respeto niya sa kanyang ama. â FRJimenez, GMA News