Solenn Heussaff, sexy calendar girl na rin
Patuloy ang pag-arangkada ng career ng model turned actress na si Solenn Heussaff. Ang Kapuso star ang napiling calendar girl ng isang kilalang brand ng alak kunsaan nagpose siya ng sexy. Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing sunod-sunod ang blessing na natatanggap ni Solenn. Kamakailan ay tinanghal ang Kapuso star na âDiscovery of the Year" ng Aliw Awards.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV At kahit wala pa siyang one year sa industriya, sunod-sunod na ang kanyang mga TV projects, movie assignments, recording at mga product endorsement gaya ng isang kilalang brand ng alak. Nag-pose ng sexy si Solenn sa photo shoots bilang calendar girl ng naturang alak. Okey lang naman daw sa kanyang ama ang ginawang pagpapa-sexy. Excited na rin daw si Solenn sa filmfest movie na Yesterday, Today and Tomorrow, kung saan kasama niya ang Diamond Star na si Maricel Soriano. -- FRJ, GMA News