ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Biktima ng ‘chop-chop’ murder, nakita sa Valenzuela City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Iniimbestigahan na ngayon ng mga pulis ng Valenzuela City ang natagpuang pinaghiwa-hiwalay na mga bahagi ng katawan ng isang lalaki nitong madaling araw ng Sabado. Ang mga bahagi ng katawan ng biktima ay inilagay sa dalawang sako na magkahiwalay na natagpuan sa barangay ng Karuhatan at Gen. T. de Leon, ayon sa ulat ng dzBB radio. Ang isang sako na nakita sa hangganan ng Karuhatan at Gen. T. de Leon ay naglalaman ng binti at kamay ng biktima. Isa pang sako na naglalaman naman ng iba pang parte ng katawan ay nakita sa Angeles Extension sa Brgy. Sa hindi kalayuan sa nabanggit na lugar ay nakita naman ang ulo nito. Inaalam ng pulisya ang nakuhang impormasyon sa isang George Caco na ang biktima ay sinasabing si Julius Caco. Batay umano sa impormasyon ni George, si Julius ay dating barangay tanod sa Karuhatan. — GMA News