ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mike Arroyo at 7 pang iba, tinanggal sa Immigration watch list


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinanggal na ng Department of Justice nitong Martes sa Immigration watch list ang mga pangalan nina dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo at ilan pa. Sa isang-pahinang kautusan, inihayag ng DOJ ang pagtanggal ni G. Arroyo sa watch list sapagkat hindi umano sapat ang ebidensya ng joint panel upang maihain ang kaso sa korte. Ang joint panel ang nagsagawa ng imbestigasyon sa naganap umano na poll fraud noong 2007 mid-term polls. Kabilang sa mga tinanggal sa Immigration watch list ay sina dating Justice Secretary Alberto Agra, dating presidential adviser Gabby Claudio, Bong Serrano, Andrei Tagum, Romy Dayday, Jeremy Javier at isang alyas "Butch." "On the basis of the dismissal of the aformentioned cases by the Comelec against them... the legal basis for their continued inclusion in the WLO ceased to exist," ayon sa DOJ. "Accordingly, their names are hereby ordered deleted from the Bureau of Immigration Watch List unless they are the subject of a WLO or Hold Departure Order in any other case/s," dagdag nito. Watch list order Pansamantalang pinigil ng Korte Suprema nitong Nobyembre 15 ang pagpapatupad ng watch list order ng mag-asawang Arroyo, na ipinagbawalang umalis ng bansa kaugnay ang reklamong electoral sabotage na inihain laban sa kanila. Ayon kay SC spokesman at court administrator Jose Midas Marquez, may tatlong kondisyon ang korte sa ipinalabas na TRO:

  • kailangang magbayad ng P2-milyong bond ang mag-asawang Arroyo;
  • kailangang magtalaga ang mag-asawang Arroyo ng legal representative na tatanggap sa kanilang mga legal na dokumento;
  • kinakailangan ng mag-asawang Arroyo na magpakita sa Philippine consulates sa mga bansang pupuntahan nila. Ayon kay Marquez, ang TRO ay "immediately executory." "Upon filing these conditions or once they are able to comply with these conditions, they can fly already," aniya. Pinigilang lumipad Sa kabila ng TRO sa watch list order, hindi naka-alis ng bansa ang mag-asawang Arroyo nitong nakaraang linggo patungong Singapore, kung saan ipapagamot sana ng dating Pangulo ang kanyang bone problema. Biyernes noong isang linggo, tuluyan nang hindi nakalipad palabas ng bansa ang mag-asawa dahil sa warrant na inihain laban kay Gng. Arroyo sa kasong electoral fraud. Mayroong life sentence ang kasong ito. Inaresto si Gng. Arroyo sa St. Luke's Medical Center sa Taguig, Metro Manila, kung saan siya nanatili upang magpagaling. Ibinigay ang arrest warrant ilang oras lamang matapos magsampa ang Commission on Elections ng kasong electoral fraud case sa Pasay City Regional Trial Court. Sumailalim ang mag-asawang Arroyo at 40 pang iba sa preliminary investigation ng joint panel ng DOJ at Comelec para sa naganap umano na electoral sabotage sa Maguindanao, North Cotabato, at South Cotabato noong 2007 mid-term elections. Sa huli, inirekomenda ng panel na magsampa ng reklamo laban sa kanila Arroyo, dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., at dating Maguindanao poll supervisor Lintang Bedol. Kasalakuyang nasa pangangalaga si Bedol sa PNP Custodial Center at Camp Crame, habang nasa Camp Bagong Diwa sa Taguig City naman si Ampatuan. Nitong Martes, handang makinig ang Korte Suprema sa oral arguments nina Mike Arroyo at dating Comelec chairman Benjamin Abalos na tumutuligsa sa legalidad ng Joint Comelec-DOJ panel na nag-imbestiga sa electoral fraud na naganap umano noong 2007 elections. Kinuwestiyon din ng mag-asawa ang legalidad ng WLO laban sa kanila, kabilang na rin ang Department Circular No. 41, kung saan binase ang mga utos. Naghain ng temporary restraining order ang korte upang payagang magpagamot si Gng. Arroyo sa ibang bansa. Sa kabila nito, sinalungat ng DOJ ang TOR at humingi na lamang ng motion for reconsideration. Nasawalang-bisa ang kautusan ng korte matapos maghain ang Comelec ng kasong electoral sabotage laban kay Arroyo at sa dalawa pang iba sa Pasay court, na mayroon ngayong jurisdiction sa kabuuang electoral sabotage na reklamo laban sa tatlong indibidwal. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News