GMA News Online
Showbiz

Misteryo sa The Road, tuklasin simula sa November 30

November 24, 2011 5:02pm
The Road
The Road. Film The Road gmanews
Simula sa Nobyembre 30, maglakbay patungo sa mga sinehan upang tuklasin ang misteryong bumabalot sa The Road, ang pelikulang handog ng GMA Films.

Sa giya ng premyadong international film director na si Yam Laranas, maglalaro ang imahinasyon ng mga manonood simula sa umpisa hanggang sa wakas ng psycho-suspense-thriller movie, The Road.

Pinangungunahan ito nina Carmina Villarroel, Marvin Agustin, Rhian Ramos, Barbie Forteza at TJ Trinidad. Kasama rin ang mga Tween star na sina Alden Richards, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio at Lexi Fernandez.

Nandiyan dina sina Ynna Asistio, Renz Valerio, John Regala, Lloyd Samartino, Gerald Madrid, Allan Paule, Jacklyn Jose, Dex Quindoza at Ana Abad Santos.

Ang The Road ay tungkol sa pagkawala ng tatlong kabataan sa isang kalsada na naging bahagi rin ng imbestigasyon ng isang malagim na kaso na mahigit isang dekada na ang nagdaan.

Sa paghahanap at pag-iimbestiga sa nawawalang tatlong kabataan, mahahalungkat din ang matagal nang misteryong bumabalot sa naturang kalsada.

Huwag magpahuli, simulang tahakin ang The Road sa mga sinehan simula sa November 30. - FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus