GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

The Road, maituturing 5-years in the making

November 25, 2011 11:04pm
The Road 2
The Road 2. The Road movie gma news
Maituturing daw na five years in the making ang bagong suspense-horror movie ng GMA Films na The Road dahil unang naisulat ang kwento ng pelikula noong 2005.
 
Sa ulat ni showbiz reporter Nelson Canlas, sinabing mula nang maisulat ang kwento ng The Road, dumaan ito sa maraming conceptualization at batuhan ng mga idea hanggang sa pagplanuhan ang kakaibang production design.
 
Hindi naman daw nasayang ang paghihirap at paghihintay dahil ang naging resulta ay de-kalidad na pelikula sa ilalim ng pamamahala ng internationally acclaimed director na si Yam Laranas.
 
Si Direk Yam ang nasa likod ng horror film na Sigaw na nagkaroon ng Hollywood adaptation.

Ayon kay Direk Yam, masaya sila dahil nakatanggap ng mga positibong review ang The Road maging sa ibang bansa.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ng premyadong film director na malaking bagay sa kanila at sa mga artista ang positibong puna dahil nagpapakita ito na may kinahinatnan ang kanilang pinaghirapan.

Dahil pinaghirapan talaga namin at gusto namin talagang magkuwento at of course manakot sa mga manonood," pahayag ni Direk Yam.

Malaki rin daw ang posibilidad na maisali ang The Road sa mga international film festival.-- FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus