Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Lexi Fernandez glad to have Derrick Monasterio as partner in The Road

November 26, 2011 2:33pm
Lexi Fernandez
Lexi Fernandez. showbiz lexifernandez pep.ph
Sa November 30 na ang pagpapalabas sa sinehan ng bagong horror movie ng GMA Films, ang The Road.
 
Isa sa excited sa showing ng pelikula ay si Lexi Fernandez, na kasama sa cast.
 
Proud daw ang dalagita sa pagkakagawa ng kanilang pelikula.
 
Ayon kay Lexi, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) sa presscon ng The Road: "Napakaganda po talaga ng film.
 
"Pinag-isipan, pinaghirapan pong talaga.
 
"Hindi lang po siya yung tipo ng horror movie na nakakagulat,  or puro multo.
 
"Ito talaga yung may story siya na kailangan mong sundan at kailangan mong mag-isip para makuha mo yung flow ng buong story."
 
EQUAL EXPOSURE. Ayon kay Lexi, walang masasabing talagang iisang bida sa pelikula nila.
 
"Lahat kami, parang yung pinag-usapan nga namin, hindi namin puwedeng sabihin na may bida ang movie dahil parang teamwork talaga lahat ng artista.
 
"Lahat ng mga eksena, parang everyone has a big role para ma-gets mo ang story.
 
"Lahat may ginagampanan talaga."
 
Silang tatlo raw nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ang madalas na magkakaeksena sa pelikula.
 
Kuwento ni Lexi, "Sobrang saya lang po. Sobrang naka-bonding po namin ang isa't isa.
 
"Sobrang light lang. Palagi kaming excited na mag-shooting.
 
"Kay Derrick naman po, masaya ako na siya ang ka-loveteam ko, kasi never kaming bored.
 
"Ang character niya talaga, palagi lang siyang nagpapatawa at saka makulit.
 
"Sobrang palaging may energy sa set."
 
NO TIME FOR LOVE? Sa kanilang lahat na tween stars ng GMA-7, isa si Lexi sa hindi pa nali-link consistently sa mga kasamahan niya, o napababalitang may boyfriend.
 
Sinasadya ba niya ito?
 
"Siguro po dahil sobrang gusto kong talaga na mag-focus sa career ko at saka sa studies ko.

"Dahil parang medyo nahihirapan akong i-balance yung dalawa.
 
"Kailangan ko rin pong maghanap ng oras para sa studies ko. Ayokong pabayaan yun.
 
"Medyo nahihirapan din ako kasi mahirap talagang i-balance kapag may taping, may shooting.
 
"Minsan pag-uwi, gusto ko lang matulog, pero kailangan kong mag-aral, gawin yung phases [assignments o lessons sa homestudy program] ko," paliwanag ng dalaga.
 
MOM MARITONI FERNANDEZ. Baka naman pinagbabawalan pa siya ng mommy niyang si Maritoni Fernandez na makipagrelasyon, or mag-entertain ng manliligaw?
 
"Hindi po," tanggi ni Lexi.
 
"Si Mama ko, very supportive siya sa akin. Super-cool mom niya.
 
"Para kaming mag-best friend. So, lahat ng secrets ko alam niya. Lahat ng secrets niya, alam ko."
 
Hindi pa raw nagkakaroon ng boyfriend si Lexi, pero hindi naman siya nagmamadali para rito.
 
Katuwiran niya, "Hindi po, because I know the time will come naman po. So, why rush?
 
"So, yun lang po ang sa akin.
 
"Mero'n naman pong mga nagpaparamdam, pero focus po talaga ako ngayon sa career ko."
 
Dugtong pa niya, "Feeling ko po kasi, taking-off pa rin ako [sa career].
 
"Hindi ko puwedeng sabihin na sikat ako or anything. Sa ngayon, pinaghihirapan ko pa rin yun.
 
"Gusto kong mag-last ako sa showbiz na hindi ako mawala. So, yun po."
 
Masuwerte si Lexi dahil isa siya sa teen stars ng Kapuso network na hindi rin nababakante—mapa-telebisyon o pelikula man.
 
Kasama siya sa Metro Manila Film Festival 2011 entry ng OctoArts Films na My Househusband: Ikaw Na!, at sa Just One Summer ng GMA Films with Elmo Magalona and Julie Ann San Jose.
 
Sabi ni Lexi, "Actually, masaya po ako kasi lahat nata-try kong gawin.
 
"Sa My Househusband, comedy siya.
 
"Sa The Road, horror po. Then sa Just One Summer, drama ulit na kontrabida ako do'n."

Sa kanyang pagkokontrabida, wala pa naman daw siyang karanasan sa fans na gusto siyang saktan para iganti ang bida na inaapi niya sa palabas.           
 
Natatawa nga niyang sabi, "Wala naman po. More on, 'Huwag mo nang saktan si Barbie.'
 
"Tulad po sa Nita Negrita, pero wala naman po yung parang sinumpa na nila ako!" -- Rose Garcia, PEP