ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maria Isabel Lopez, pinatalsik ng Tala sa Survivor Philippines


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nangyari ang inaasahan ni Maria Isabel Lopez matapos siyang i-vote out ng mga katribu niya sa Tala sa Survivor Philippine Celebrity Doubles Showdown nitong Biyernes. Sa Tribal Council na pinamunuan ng host na si Richard Gutierrez, naging mainit ang diskusyon nina Maria Isabel o Maribel at ni Carlo Gonzales. Reklamo ni Carlo, pinaglalaruan ng dating beauty queen turned actress na si Maria Isabel ang pag-iisip nilang mga kasamahan sa Tala. Bagay na kinontra naman ni Maribel at nanindigan na ginagawa niya ang lahat para sa tribu at makikita umano ito sa nagdaang mga challenges. "Never kong binenta ang laro. Binigyan ko sila ng magandang costume. Pinasa nila sa akin yung apat na alimango sa kamay ko, tiniis ko ‘yon. Umabot ako ng 15 seconds, pinilit kong ipanalo ‘yon," depensa ni Maribel. “Whatever I do, damn if you do, damn if you don't. I don't give a damn anymore." Sa unang round ng botohan, nakuha ng apat boto ang tandem nina Chuckie Dreyfus at Isabel Granada, habang tatlo naman si Maribel na nakahiwalay sa kanya anak na si Mara na nasa kabilang tribu ng Bulan. Pero dahil may immunity bracelet ang tandem nina Chuckie at Isabel, at gayundin si Maribel, nawalan ng bisa ang mga boto kaya nagpatawag ng panibagong botohan si Richard. Sa ikalawang round ng botohan, wala nang may immunity bracelet kung saan nakakuha ng apat na boto si Maribel, sapat na para siya patalsikin sa isla. Naging markado ang pananatili ni Maribel sa isla dahil sa kanya isinisisi ang iringan at pag-aaway ng ilang castaways. - FRJimenez, GMA News