ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DTI directors: Programang OTOP tuloy ang paglaganap


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kauna-unahang pagkakataon inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI), kasama ang mga pribadong kumpanya, ang nationwide one-town-one-project program (OTOP) dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga lumalahok dito. Sinabi nina Joel Valera, dircetor ng MIMAROPA region (Mindoro – Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at Marievic Bonoan, direktor ng Bureau of Domestic Trade, na mula 2004, ang OTOP ay patuloy na lumalaki kung kaya't isinama na ito sa 2012 national budget. Idinagdag pa nila na ang OTOP ay nakapagdala na ng US$677 milyon sa domestic sales at P11.2 bilyon na puhunan. Sa ginawang trade show kamakailan na may 273 na exhibitor, may pitong target na mangyayari ang OTOP, kabilang na dito ang pagpapaunlad ng "management and technical capability" ng mga tagapagtaguyod ng proyekto. Kabilang din sa mga target na i-develop ay training at seminar at online mentoring; pagpapaunlad ng mga proseso sa pagbibigay ng serbisyo; pagpapababa ng "cost of doing business" at ang promosyon nito; pag-uugnay para makakuha ng programang pangsuporta para mapahusay ang management and technical skills; at pagbigay ng mga pagkakataon para lumago ang negosyo. Idinagdag pa ng dalawang direktor na sisikapin din ng programa na makapagbigay ng mga insentibo para sa pagpapa-unlad ng kalidad ng produkto; serbisyo para pahusayin ang ugnayan sa mga pamilihan; tumulong sa pagtatag ng database; lumahok sa mga fair at exhibit; tumulong para sa pinansiya; at tumulong para paunlarin ang kamalayan ukol sa mga programa ng OTOP. Sinabi rin ng DTI directors na nakalikha na ang OTOP ng 444,709 na trabaho; P11,197 billion pamumuhunan; P16,558-B domestic sales, US$677.29-B export sales at nakatulong sa 58,155 na small and medium-scale enterprises (SMEs). Hinahangad ng DTI at ng mga negosyante na muling ilunsad ang OTOP sa loob ng limang  taon sapagkat napatunayang nakatulong ito sa  pag-angat ng ekonomiya ng bansa, ayon pa sa kanila. — Fernando de la Cruz /LBG, GMA News