ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 sakay ng motorsiklo, patay sa aksidente sa Dagupan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo matapos silang mahagip at masagasaan ng isang delivery truck sa De Venecia Expressway sa Dagupan City. Nakilala ang drayber ng motorsiklo na si Jhong Andaya, 25-anyos, mula sa Brgy Pantal. Samantalang hindi kaagad nakikilala ng mga aworidad ang kanyang kaangkas. Parehong napuruhan ang ulo ng dalawang biktima. Halos mapugutan ang isa, samantalang nabasag naman ang bungo ng isa pa. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na mali ang paraan ng pag-overtake ng dalawang biktima. “Umovertake sila diyan sa shoulder lane kaya diyan sila nahagip," ayon kay Police Insp. Jun Gonzales, duty investigator, Dagupan-PNP. Aminado rin naman ang drayber ng truck na si Santo Ombrog na may pagkukulang siya sa nangyaring aksidente. “Umovertake sa kanan yung dalawa kaya ‘di ko na napansin. Hindi na rin ako nakahinto," paliwanag ni Ombrog. Bagamat lumilitaw na kasalanan ng nagmamaneho ng motorsiklo ang aksidente, papatawan pa rin ng kaukulang kaso ang drayber ng truck. - GMA News