ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Matandang babae, patay matapos nabundol ng 2 sasakyan sa Quezon City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang matandang babae matapos siyang mabundol ng dalawang sasakyan sa East Avenue, Quezon City nitong madaling araw ng Sabado. Sinisikap ng pulisya na makilala ang biktima na nabundol ng isang Pajero at isa pang kotse sa kasagsagan ng pag-ulan, ayon sa ulat ng dzBB radio. Hindi rin nakuha ang numero ng plaka ng dalawang sasakyan. Nangyari umano ang aksidente sa bahagi ng East Avenue na malapit sa Bangko Sentral ng Pilipinas at East Avenue Medical Center. Inaalam din ng mga awtoridad ang impormasyon na ilang araw ng nakikitang gumagala sa lugar ang biktima bago ito naaksidente nitong Sabado. -- GMA News