ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Trahedya ni Sendong sa 'Reporter's Notebook' 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
TRAHEDYA NI SENDONG
Reporter's Notebook Special Report
Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido Airing date: December 20, 2011
 
Daan-daan ang kumpirmadong nasawi. Libu-libo ang nawalan ng kabahayan at ari-arian. Milyun-milyon ang napinsalang kabuhayan.
 
Ito ang nakapanlulumong bakas na iniwan ng Bagyong Sendong sa ilang bayan sa Mindanao. Sa tindi ng pinsala, isa na ito sa itinuturing na pinaka-mapinsalang bagyo sa kasaysayan. Sa gitna ng gabi, habang payapang tulog ang karamihan, rumagasa ang delubyo, tinangay ang maraming buhay, at winasak ang maraming pangarap... pangyayaring kahit sa guni-guni o panaginip, hindi raw naisip na magaganap.
 
Ihahatid at ibabahagi ni Jiggy Manicad mula sa Cagayan de Oro City at Maki Pulido mula Iligan City ang mga kuwento sa likod ng nangyaring trahedya.