ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Celebrities na nagpalit ng kanilang 'status' this 2011


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maraming celebrities ang nagpalit ng kanilang “status" nitong nagdaang 2011. Mayroong from being “single" ay naging “in a relationship," at may mga nauwi sa pagiging “married" at “it’s complicated." Nananatiling “single" ang status ng ating first bachelor president na si Pangulong Noynoy Aquino III matapos ang break-up nila ni Valenzuela Councilor at TV host Shalani Soledad noong Oktubre 2010. Sa isang okasyon na dinaluhan ni PNoy nitong 2011, inihalintulad niya ang kanyang love life sa isang brand ng soft drink na mula sa pagiging “regular" ay naging “zero." Hindi naman maiwasan na maiugnay ang binatang pangulo sa ilang babae at kabilang sa mga na-link sa kanya ay ang mga Kapuso na sina Iza Calzado at Grace Lee. Kung “single" pa rin si PNoy, naging “in a relationship" at nauwi na sa pagiging “engaged" si Shalani kay Pasig Rep. Roman Romulo. Inaasahang ikakasal ang dalawa this 2012. From “in a relationship," pansamantalang naging “single" ang Kapuso host na si Pia Guanio matapos ang hiwalayan nila ng kapwa Eat Bulaga host na si Vic Sotto. Wala mang pormal na kumpirmasyon sa break up nila, nabalitaan na lamang na engaged na si Pia sa negosyanteng si Steve Mago, at tuluyang napalitan ang kanyang status sa “married" nang magpakasal ang dalawa noong Oktubre. Si Vic naman, tila “complicated" ang status matapos ma-link ngayon sa isa pang kapwa Eat Bulaga host na si Pauleen Luna. Wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang dalawa tungkol sa tunay na lagay ng kanilang relasyon ngayon. Matapos naman ang kontrobersiyal na break-up nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, in a relationship uli si Jennylyn sa aktor na si Luis Manzano. Samantala, nali-link naman si Dennis sa kapwa Kapuso star na si Bianca King. Nag-Pasko rin na “single" si Iza matapos breakup nila ng negosyanteng boyfriend na si Atticus King. Sari-saring espekulasyon naman ang naglabasan sa paghihiwalay nina KC Concepcion at Piolo Pascual. Kahit iniintriga ang love life ng sexy commediene na si Rufa Mae Quinto tungkol sa kanyang “mytery" boyfriend na si “Mr M.", maingay naman na nagkakamabutihan sila ng kanyang Bubble Gang co-member na si Boy2 Quizon. Hindi lang si Pia ang nagpalit ng status sa pagiging “married," nauwi rin sa kasalan ang pag-iibigan nina Jolina Magdangal at band member na si Mark Escueta. Sa simbahan din ang tuloy nina Kyla at longtime boyfriend nito na si Rich Alvarez. Tila kumplikado naman ang relasyon nina Raymart Santiago at Claudine Barretto matapos mapabalita na hiwalay na ang dalawa. Pro itinanggi ito ng mag-asawa. Kinumpirma naman Janna Dominguez noong Agosto na mayroon na silang relasyon ni Micky Ablan, na dating boyfriend ng Kapuso star na Iwa Moto. Ang Brazilian bombshell at Eat Bulaga host na si Daiana Menezes, sinabing engaged na kay Direk GB Sampedro, matapos mapabalitang break na sila ng DJ na si Sam YG. Nauwi rin sa hiwalayan at naging “single" ang status ni Michelle Madrigal matapos ang breakup nila ng kapwa ex-castaway ng Survivor Philippines na si John Hall. Sa hiwalayan din napunta ang relasyon nina Rhian Ramos at DJ Mo; Kris Bernal at Jay Perillo; Illac Diaz at Julia Clarete; Rachelle Ann Go at John Prat; at Ervic Vijandre at ex-Sexbomb member na si Aifah Medina. Enero nitong 2011 nang maging Mrs Sotto si Kristine Hermosa matapos silang ikasal ng binata ni Vic Sotto na si Oyo Boy Sotto sa Batangas. Enero rin nang ikasal si Roxanne Guinoo sa Filipino-Chinese businessman na si Angelo Elton Yap. Naging first time mom naman this year matapos magsilang ng kani-kanilang baby sina Regine Velasquez, Andi Eigenmann, Krista Ranillo, Juliana Palermo, Kristine Hermosa at Sunshine Dizon. - FRJimenez, GMA News