ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DSWD: 204 pamilyang apektado ng bagyong Sendong nailipat na sa temporary shelters


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nailipat na sa mga temporary shelter ang may 204 pamilya na pansamantalang nakatira sa mga pribadong paaralan at gymnasium sa Region 10 na lubhang napinsala ng bagyong Sendong, ayon sa  Department of Social Welfare and Development. Pero hindi kasama sa mga nailipat ang mga pamilyang nanunuluyan sa mga silid aralan ng pampublikong paaralan. Inilipat ang mga pamilya mula sa mga school gymnasium upang magamit ang mga lugar na ito para sa “alternative mode of learning” para sa mga nasalanta ng bagyo. Ayon naman sa Department of Education, ang mga gurong sinanay ng (United Nations Children's Fund) UNICEF ay magsasagawa ng psychosocial processing para sa mga mag-aaral na nasa elementarya at highschool. Sa kasalukyan, 44 pa na evacuation centers ang nananatiling bukas sa Iligan City at Cagayan de Oro City. Aabot na sa 865 na katao, kung saan 321 dito ang mga kabataan ang sumailalim na sa psychosocial processing. Matatandaang mahigit isang libong tao ang namatay at libu-libong pamilya ang nawalang ng tahanan dahil sa baha na idinulot ng bagyong Sendong noong nakarang buwan. – Lui Belmonte /LBG, GMA News