ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iza Calzado, na-starstruck kina Jeremy Renner at Rachel Weisz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kahit sikat na sa Pilipinas, hindi nahihiyang umamin ang Kapuso actress na si Iza Calzado na na-starstruck siya nang makita niya ang dalawang Hollywood stars na kasali sa action movie na The Bourne Legacy. Sa ulat ng News To Go nitong Martes, ikinuwento ni Iza na naimbitahan siya sa isang dinner event kung saan nandoon din sina Jeremy Renner at Rachel Weisz na bida sa Bourne Legacy movie na dito nagsu-shooting sa Metro Manila. At nang makasalubong nga daw niya ang dalawa sa labas ng restaurant, nakausap niya ang mga ito ay inamin niya na isa siyang masugid na tagahanga ng Hollywood stars. Minsan na rin nagkuwento si Iza sa pamamagitan ng kanyang mga tweets noong nakaraan taon kung papaano siya na-starstruck sa Hollywook aktor na si Hugh Jackman, nang makasabay niya ito sa elevator habang nasa US. Samantala, patuloy ang shooting ng produksiyon ng Bourne Legacy kung saan nakatakdang kunan naman ngayong Martes ang ilang eksena sa Navotas. -- FRJ, GMA News