ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang nabigti sa duyan, iginiit ng mga awtoridad na isailalim sa awtopsiya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bagaman lumilitaw na aksidente ang pagkakabigti ng isang 11-anyos na babae sa San Carlos City, Pangasinan, nais pa rin ng pulisya na isailalim ang mga labi nito sa awtopsiya. Batay sa paunang imbestigasyon na isinagawa ng pulisya at City Social Welfare Department, lumilitaw na aksidente ang pagsabit ng leeg ni Apple De Vera sa lubig ng duyan sa kanilang bakuran sa Brgy Malacañang, San Carlos City. “Hindi nabalanse... pumunta sa leeg, dun na nabigti," pahayag ni P/Insp. Jerry Muñoz, Chief Investigator, San Carlos City Police Station “Ugali ng bata ang maglaro sa nylon swing," ayon naman kay Jesusa Viduya, ng CSWD. Sa kabila nito, iginiit pa rin mga awtoridad na kailangan pa ring isailalim sa autopsy ang bangkay ng bata upang matiyak kung ano ang totoong sanhi ng pagkamatay nito. Gayunman, tutol ang ama ng bata na i-awtopsiya pa ang anak dahil nangyari na ang insidente. Pero nagbabala naman ang pulisya na maaaring makasuhan ng obstruction of justice ang ama kung hindi ito makikiisa sa imbestigasyon. – CJTorida, GCalicdan/ FRJ, GMA News